chapter 1
A/N : expect na may mga maling grammar hehe, bobo kasi ako hindi lang halata
"hay nako! ano nanamang ginawa mo luna?!!" sermon ng aking ina habang nasa tabi niya si daddy.
Habang ako ay naka dekwatrong upo sa sofa. Napairap ako sa sinabi ni mommy dahil sa university na mamuntikan ng maguho ng dahil saaakin.
"well, hindi naman kasi ako ang nauna!"nayayamot kong saad.
"honey, you know naman na hindi simple ang ginawa mo" mahinanong saad ni daddy habang pinapakalma si mommy.
"for petes sake! halos maguho na ang universidad!" galit na saad ni mommy
nayayamot naman akong tumingin sakanila. Kasalanan ko bang yung nga bitches na yun ay pinag tulungan ako! tsk hindi naman kasi ako mag papatalo!
"pinag tanggol ko lang ang sarili ko" malamig kong saad at bored na bored na tumingin sakanila.
"hindi ka naba talaga titino!?"saad ulit ni mommy habang naka taas ang kilay, hindi naman ako sumagot.
nagkatinginan silang dalawa na para bang nag uusap. Tumango naman sila sa isa't isa at bumaling saakin.
"kung hindi kana talaga mag titino, ililipat ka nalang namin sa AMOURA ACADEMY" kung kanina mababakas ang galit sa tono ng pananalita ni mommy ngayon naman ay mahinahon na.
napantig naman mga tenga ko sa narinig, kumislap pa ang mga mata ko. Ngumisi naman ako.
hmmm makakapunta na ako sa tunay naming mundo... I smirked
Ang akala nila wala akong alam sa mundo namin.. ang maraya world
"okay" maikli kong saad at tumayo na at tumungo sa kwarto ko..Napatanga naman sila sa sinabi ko. tsk.
"LUNASIA FROST LESÉ!" narinig ko pang sigaw pero hindi ko na yon pinansin.
Nang makarating ako sa kwarto ko agad akong humiga. Nakatingin lang ako sa kisame.
Nung nakaraan lang bumalik ang alaala ko, hindi sila ang tunay kong mga magulang. Galing ako sa maraya world ngunit hindi nila alam na bumalik na ang alaala ko.
ngunit ang na alala ko lang ay galing ako roon pero hindi naman masyadong malinaw kung bakit galing ako roon.
napangisi nalang ako sa naiisip.
this is so exiting!
*****
nagising ako ng may tumapatapik sa mukha ko.
"honey, wake up!" malambing na saad ni mommy kaya minulat ko ang mga mata ko.
"hmm"nakita ko si mommy, katabi ko siya si dad naman nasa harapan ng sasakyan.
Nang makita ko si mommy nakangiti siya saakin at same time nalulungkot.
"mom?"tanong ko dahil nasa sasakyan na kami at parang papunta na kami sa academy.
" honey, magpapakabait ka roon ah.. alam mo naman na doon ka talaga nararapat.."mahinang saad ni mom
"yes mom!" nakangiti kong saad at yumakap naman sila saakin
*****
Gabi nang makarating kami bumungad saakin ang napakagandang gate. Kulay ginto ito kaya sobrang ganda
"anak ko... mamimiss kita"malungkot na saad ni mom habang yakap siya ni dad
"wag na kayong malungkot alam ko naman po kung bakit niyo ako pinadala rito" nakangiti kong saad. Pagtapos kong mag salita may dumating na babae
"ito na ba ang anak niyo?" tanong nito sa mga magulang ko tumango naman sila. Bumaling naman saakin yung babae
"Hi. My name is Morissette, I'm your parents bestfriends and I am also currently headmistress." seryoso nitong saad kaya tumango na lamang ako at bumaling ng tingin sa mga magulang ko.
"sige na anak pumasok kana" saad ni mom at bumaling sa headmistress. "moris ikaw ng bahala sa anak namin" dugtong ni mom ngumiti na lamang si tita moris.
"tara na iha"saad nito
"teka po, yung mga gamit ko" saad ko at kinuha ang mga ito pero pinigilan niya ako.
"sila na ang mag dadala niyan iha."saad niya at itnuro ang mga lalaking naglalakad papunta sa gawi namin.
kinuha nila ang mga gamit ko at agad namang umalis. Nag salita naman si tita moris.
"halika iha, sumunod ka saakin ibibigay ko sayo yung magiging dorm mo." seryoso nitong saad bago mag paalam kala mom and dad at nag lakad.
Bago ako sumunod kumaway ako kala mom and dad.
Habang nag lalakad kami ni tita moris ay nag salita siya.
"iha, alam mo na ba na may mga rank dito kung gaano ka kalakas?" saad niya habang ang mga mata ay seryosong nakatitig saakin.
"hindi po, wala namang nabanggit saakin sina mom and dad." magalang kong saad tumango naman siya.
"bago ko ibigay sayo ang magiging susi ng dorm mo ay dadaan ka muna sa isang test. Ito yung test para makita kung kagaano ka kalakas." mahabang saad ni tita morish. Tumango naman ako bilang tanda na nakikinig ako.
"may tatlong rank dito kung saan ang mga malalakas at mahihina. Una ang SUN kung saan ang mga estudyante ay mahilig makipag kompetensiya, marami ritong may kakayahang tumakbo ng mabilis at higit sa lahat marami ding tuso."mahabang paliwanag ni tita moris sa nangungunang ranggo." ngunit kailangan mo silang iwasan dahil bawat ranggo may mga na mamahala rito kung saan ang mga student na ito ang pinaka malakas."dugtong pa ni tita moris kaya na kunot ko ang mga nuo ko. Bakit ko naman sila iiwasan? ano naman kung malakas sila?
"eh? bakit naman tita?" hindi ko mapigilang tanungin dahil na rin sa kursudad.
"dahil ang mga student na yon ay kayang manipulahin ang isip ng isang estudyante." saad ni tita, manipulahin? patawa.
"eh ano naman yung pangalawa?"tanong ko
"ang pangalawa ay ang MOON kung saan ang mga student dito ay taga ayos ng gulo at sila rin ay seryoso, walang inuurungan tulad nga nang sabi ko kanina sa mga SUN na kayang manipulahin ang isip ng tao nang pinaka malakas na namumuno sa bawat ranggo. Ito rin ang kayang gawin nang pinaka malakas na namumuno sa MOON. " seryosong saad ni tita moris sa pangalawa lng ranggo.
"tita, bakit ganun parang parehas lang naman ang SUN and MOON eh?" saad ko kay tita moris. Habang nag lalakad natatanaw na namin ang isang silid na hula ko ay office niya.
"dahil ang una at pangalawang rank ay mag kaparehas nang lakas. Sa katunayan dalawa dapat ang nangunguna rito pero hindi pumayag ang mga SUN dahil na rin ayaw ng gulo nang mga taga MOON ay nag paubaya na lamang sila." mahabang lintaya ni tita
"ang pangatlong ranggo naman ang STAR kung saan ang mga student ay hindi pa gamay ang mga kanilang kapangyarihan kaya tinatawag silang mahihina. Pero yung mga namumuno naman sa kanila ay gamay naman nila ngunit ang lakas ng mga ito ay hindi sapat para ma talo ang mga taga MOON at SUN. Kaya sila ang ikatlong ranggo. " saad pa ulit ni tita sa seryosong boses.
Napatigil naman ako ng nasa tapat na kami nang isang pintuan. Bumukas agad iyon kaya naman pumasok na kami ni tita, ang ganda naroon ang inuupuan ni tita at ang table niya.
"nandito na tayo sa office ko kung saan gaganapin ang test." mariing sambit ni tita at tumungo sa upuan niya.
"okay." saad ko at tumingin sa paligid. Nagulat ako ng umihip nang malakas ang hangin. Hangin!? paano? nakasarado ang pintuan at mga bintana.
"What the hell?!"sigaw ko ng lalo pang lumakas ang hangin, napatingin naman ako kay tita moris na may barrier nalang na pumoprotekta sakanya. Agad akong napataas ng kilay.
"tita!?anong nangyayari??" sigaw ko at pilit na pinoprotektahan ang sarili ko.
"ito ang pagsubok mo." maikling saad nito saakin.
ano? ito yung test ko??
Habang pinoprotekhan ang sarili ko ay unting unti nawala ang hangin. Napatingin ako sa pintuan dahil na rin sa malaki ang pintuan ay sobrang liwanag ang bumungad saakin.
Nagulat ako ng may naglalakad na isang nilalang, malaki siya at galit na galit ang tingin saakin kulay puti rin ang kanyang balahibo.
Natuod ako ng agad itong sumugod saakin, huli na nang ako ay maka iwas, dahil na sugatan ang pisngi ko kaya napahiga ako habang ang nilalang ay naka dagaan saakin.
"labanan mo. Kung hindi mo siya kayang labanan sabihin mo lang saakin." saad ni tita moris kaya naman napairap ako ng palihim.
Nandidilim ang aking paningin ng tignan ko ang nilalang. Hindi ko namalayan na parang may pwersang gustong kumawala saakin.
agad ko itong sinakal gamit ang dalawa kong kamay. Napabaliktad na kaming dalawa, ako naman ang naka dagan sa kanya at malimig na nag salita.
"how dare you to hurt me?"malamig kong saad at tuluyan itong sinakal kaya naman napasigaw siya sa sakit.
3rd person POV :
Habang ginagawa iyon ng dalaga ay gulat na tumingin ang ginang dahil na rin sa bumabalot na aura ng dalaga habang sakal sakal nito ang kanyang alaga.
natataranta siyang pinatigil ang dalaga dahil sa buong buhay niyang pag sisilbi sa academy ay ngayon lang ito nangyari. Dahil ang mga dumaan na student dito ay hindi pa nagagawang sakalin ang kanyang alaga, dahil ang kadalasang ginagawa ng mga student ay cinocontrol ang alaga o kaya ay susugatan at gagamitan ng kapangyarihan ngunit ganoon pa man ay hindi pa masaktan ng lubusan ang kanyang alaga kaya labis ang kanyang pag ka taranta.
"tama na Frost!" sigaw niya ngunit parang walang naririnig ang dalaga dahil sa mahigpit ang pagkakasakal sa alaga niya.
kaya naman agad niya pinag laho ang kanyang alaga upang ibalik sa tirahan nito.
"tama na Frost! okay na yung ginawa mo!" sigaw niya dahil madilim pa rin ang bumabalot na aura kay Luna.
Nang marinig ito ng dalaga ay unting unti siyang kumalma at tumayo.
"tapos na pala. Akina ang susi ng dorm ko at kung anong rank ko." malamig na saad ng dalaga sa ginang.
nagtataka ang ginang dahil parang nag iba sa personality nang dalaga. Dahil sa nangyari ay agad niyang binigay ang susi at ibinigay ang SUN at MOON pendant.
"mamili ka sa dalawang yan" saad ng ginang, nagtaka siya ng hindi tinanggap nang dalaga ang SUN at MOON pendant.
"ibigay mo saakin ang star pendant." malimig na saad ng dalaga at seryosong tumingin sa ginang.
Ibinigay niya na lamang ang star pendant para maka alis na ang dalaga.
Nang maka alis ang dalaga ay agad niyang tinignan ang isang bilog na nasa table niya at nakita niya ang lakas ng dalaga.
Paano? bakit 99999999 ang lumabas? ang kadalasang lumalabas lang ay nasa 98
"baka nag error" sa isip ng ginang.
****
Habang naglalakad papunta sa dorm ko inaalala ko kanina ang nangyari. Simula nang lumabas ang pwersang gustong kumawala saakin parang may nag iba saakin para bang itong personality ko ay normal lang.
Nang makarating ako sa dorm na ang pinto ay mala ginto, kakaiba rin dito ah.
pumasok ako at bumungad saakin ang babaeng naka upo sa sofa habang may hawak na popcorn. Nang tumingin siya sakin ay agad siyang tumayo at nilagay sa lamesa ang kinakain at agad bumati saakin.
"hello! I'm Agatha, ka dorm mate mo!" masigla at nakangiti niyang saad, at pilit niyang tinitignan ang muka ko dahil na tatakpan ng mahabang buhok ko. Blankong muka ko siyang tinignan at patuloy na nag lakad papunta sa bakanteng room.
"teka! bakit pala star ang rank mo?" sigaw niya pero hindi ko lamang yun pinansin. Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong humiga. Bukas ko nalang aayusin ang mga gamit ko dahil nandito na rin naman ang mga gamit ko na dinala kanina nung lalaki.
star rank ang pinili ko dahil para saakin dito ako nababagay. Ipinikit ko ng tuluyan ang aking mga mata hanggat nilamon na ng dilim.