chapter 2

1418 Words
Hindi maipinta ang muka ko nang magising ako. Dahil na rin sa babaeng dumadalaw sa panaginip ko, tinawag niya ako at sinasabing makikilala ko na ang aking sarili. Flash back "luna..." ma lambing na saad ng babaeng naka kulay pula at dilaw na kasuotan. "sino ka? bakit mo ako tinatawag??" tanong ko dahil hindi ko maaninag ang kanyang muka dahil sa liwanag. Tanging kasuotan niya lamang ang nakikita ko na kumikinang pa. "malalaman mo rin kung sino ka talaga... maligayang pag babalik sa ating mundo" mahinhin na saad nito saakin "What do you mean??" "hindi ko ma sasagot ang mga katanungan mo dahil hindi pa ito ang tamang panahon." "hey, wait!" sigaw ko dahil bigla nalang itong naglaho *** nabalik ako sa ulirat nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "hey! umaga na, may klase pa tayo!" sigaw ng nasa pinto. Hula ko. si Agatha nanaman ito. hays. "go away! mauna ka kung gusto mo!" naiiritang sigaw ko dahil sa inis. Ang ingay ng bunganga my gosh. "bahala ka, aantayin kita rito!" sigaw niya pabalik "whatever!" sigaw ko at tumayo na. Tinungo ko ang banyo para maligo na ako. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng banyo sobrang ganda. Purong ginto ang mga dingding, at marami ring palamuti. pumunta ako sa gawi kung saan nakalagay ang malaking salamin. Tinignan ko ang aking sarili, nakakagulat na nag iba ang kulay ng mga mata ko. Ang dating kulay itim na mga mata ay naging kulay silver. "what the hell?! bakit naging ganto ito?" saad ko sa sarili habang naka tingin sa salamin. To be honest ngayon ko lang natitigan ng ganto ang muka ko, dahil sa mundo nang mga tao hindi ko masyadong tinitignan ang sarili ko sa salamin at lagi rin na tatakpan ng mahaba kong buhok ang muka ko kaya hindi nila masyadong nakikita ang muka ko. Nang matapos kong tignan ang sarili ko ay agad akong naligo. Pagtapos maligo lumabas na ako ng ba yo at nag bihis. Buti na lamang ay dala ko ang mga importanteng bagay sa maleta ko. "kailngan kong takpan ang muka ko upang hindi nila makita ito." Sambit ko sa sarili ko. Agad kong kinuha ang masakara na nakatago sa maleta ko, ito yung masakara na binigay saakin ni mom na ang tangling kita lang ay bibig ko. Natatakpan naman ng mahaba kong buhok ang mga mata ko. Tinapos ko na ang pagbibihis ko at lumabas na at tinungo ang sala kung saan naabutan ko ang babaeng maingay. Tsk. "ay nanjaan kana pala!" masigla niyang saad habang kumakain. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa ka tapat niya. "bagay sayo yung uniform ng mga star!" nakangiti niyang saad. Seriously hindi na siya napapagod ngumiti? "pero bakit may suot kang maskara?" tanong niya at sumubo ng pagkain. "none of your business!" masungit kong saad kaya napasimangot siya. "grabe ang singit mo! at malamig pa mag salita!" "and so?" "eh? what's your name pala?" tanong niya at uminom ng tubig. "Frost." maikli kong saad habang kumakain. "grabe rin talaga, malamig ka na nga mag salita tapos pati rin yung pangalan mo!" natatawang pahayag nito. "tss, ikaw ba hindi ka napapagod ngumiti at tumawa?" blankong tanong ko at tumingin sakanya. "well, hindi hehe" saad niya at nag peace sign pa. Tsk! "you know? dalawa ang buwan natin dito" pa kwento niyang pahayag. Dalawa? nakita ko nga kagabi may dalawang buwan. "bakit dalawang buwan?" tanong ko nakangiti naman siyang sumagot sa tanong ko. "dahil bumalik na ang diyosa ng buwan" "What do you mean na bumalik na?" saad ko habang tumingin sakanya. "well, simula kasi ng dumating ka kagabi iyon ang paglabas nang isa pang buwan."saad niya at tinignan ko siya tapos na pala siyang kumain. "I mean nag iisa lang ang buwan noon nung ipinanganak ako, sabi kasi nila mama dalawa raw ang buwan noon dahil nakabantay ang diyosa ng buwan pero lumipas ang panahon ay naglaho ang isang buwan. Ibigsabihin wala na rito ang diyosa ng buwan." dugtong niya sa mahabang salita. "tapos kagabi bigla nalang ulit itong naging dalawa. First time ko makita na dalawa ang buwan." saad niya pa ulit habang ako ay nakikinig na lamang sakanya. "ibigsabihin dumating na ulit ang diyosa ng buwan?" tanong ko sakanya, tumango naman siya. "pag uusapan nanaman ito mamaya ng mga student." saad niya saakin "tapos kana kumain?" tanong niya pa kaya tumango nalang ako. Niligpit niya naman ang pinag kainan nilagay sa lababo. "tara na!" exited niyang saad at hinila pa ako. Kinuha ko na ang bag ko at ganon rin siya. Lumabas kami at nag lakad papuntang room. "ano pala ang section mo?" saad niya kaya tumingin ako sakanya. "I don't know." malamig kong saad at agad naman siyang napa kunot nuo. "hays, tignan mo kasi yung pendant na binigay sayo. Doon mo malalaman ang section mo" saad niya saakin at natatawang tumingin pa saakin. "malay ko ba!" mataray kong saad at kinuha ang pendant agad naman na may lumabas na mga letra. S E C T I O N - S S? "oh? mag kaklase pala tayo!" nakingiti niyang turan saakin. At hinila nalang ako papunta sa room daw namin. Nang makarating kami may kanya-kanyang ginagawa ang mga estudyante. Natigil lang sila ng tumikhim si Agatha. "guys listen! this is our new classmate, Frost?" saad niya at tumingin saakin. "Lesé" sagot ko sakanya. "this is Frost Lesé our new classmate!" masigla niyang saad. Lahat sila ay nakatingin saakin, may nag taas naman ng kamay. "yes?" tanong ni Agatha. "Lady Agatha, bakit siya naka maskara?" tanong ng isang babae. Lady Agatha? bakit siya tinawag na ganoon "uhnm" iyon na lamang ang lumabas na salita sa bibig ni Agatha dahil hindi niya alam ang sasabihin. Kaya sumagot ako. "hindi niyo na kailngan pang malaman dahil ito ay may personal na reason." malamig ko turan sa mga student. "oh, wag nalang mag tanong. Frost upo ka roon sa bakanteng upuan. Umupo na ako at sumunod naman siya. Nang nakaupo na siya ay agad akong nag tanong. "bakit ka nila tinawag na Lady Agatha?" saad ko nag salita naman siya "ahh, ako kasi ang na mamahala sa mga taga star lalo na at apat ang section natin." nakangiti niyang pahayag "kaya pala" tumatango kong saad, isa pala siya sa pinaka malakas sa mga taga STAR. Nawala lang ang tingin ko sakanya ng may pumasok na babae sa hula ko ito ang guro namin. "okay class, sa tingin ko napakilala na sainyo ni lady Agatha ang new student, Ako pala si Merci Lou ang adviser niyo. Kaya naman ang topic natin ngayon ang nangyari kagabi na bumalik na ang isang buwan at ang ibigsabihin ang na rito na muli sa ating mundo ang diyosa ng buwan." mahabang saad ng guro namin at tatalakayin daw namin ang nangyari kagabi. "Ang diyosa ng buwan at araw ay mag kapatid, sila ang gumawa sa atin kaya nabuo ang ating mundo at wala rin nag tangkang maging masama dahil sa magkapatid." saad pa ni ms. merci "Mapayapa naman noong nandito ang diyosa ng buwan at araw pero dumating ang taon na kung saan bigla na lamang naglaho ang isang buwan na ang ibigsabihin ay wala sa ating mundo ang diyosa ng buwan. Nang dahil doon naghimagsik ang mga kasamaan at dumanak ang mga dugo sa ating mundo." saad pa ulit nito. hindi ko alam pero parang kumirot ang puso ko sa narinig. "Ang diyosa ng araw ay nagalit dahil sa ginawa ng mga taong ma sasama at nang dahil sa galit ay isinumpa niya ang mga iyon. Pagtapos niya parusahan ang mga iyon agad niyang ibinalik ang mapayapang mundo. Pero malungkot pa rin siya dahil hindi pa rin bumabalik ang diyosa ng buwan pagtapos nang lahat, hindi na rin siya muling bumalik sa lupa. " paliwanag niya pa ulit. ang bigat bigat ng pakiramdam ko sa mga narinig. "pero hindi naman niya kami pinabayaan nag bibigay pa rin siya ng mga tulong pero hindi na tulad ng dati na bumababa siya kamasama ang kanyang kapatid sa lupa." saad niya saamin habang kami ay nakikinig sakanya "pero hindi naman kami nagalit, araw-araw din naming ipinagdadasal na bumalik na ang diyosa ng buwan. At nangyari na nga, sa tagal ng panahon ay bumalik siya." saad niya samin at akmang mag sasalita siya ng tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. "class dismissed" Sambit niya at lumabas. "tara na, punta tayong canteen" yaya saakin ni Agatha tumango na lamang ako dahil sa ang bigat pa rin ng nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD