Habang nag lalakad papuntang canteen kasama si Agatha, iniisip ko pa rin yung kanina. Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si Agatha
"kanina kapa tahimik, ano ba nangyari sayo?" nag aalala niyang saad saakin ngunit tumango lang ako para ipabatid na ayos lang ako.
Nang makarating kami sa canteen bumungad saamin ang iba't ibang kulay ng uniform. Sa amin kasing mga taga star ay kulay blue, sa mga moon ay gray na may kahalong white, sa mga sun naman ay yellow na may kasamang red.
"mag hanap ka ng mauupuan, ako nalang mag oorder." saad niya saakin at tinungo ang counter, ako naman ay nag hanap ng mauupuan namin. Agad naman akong nakahanap sa gilid, umupo naman ako ka agad.
Habang nag hihintay kay Agatha inilibot ko ang aking paningin, pati sa canteen kulay ginto rin. Ang ganda talaga pagmasdan. Marami rin ang nakatitig saakin siguro ay muka akong weird sa kanilang paningin.
natigil lang ako nang dumating si Agatha na may hawak na mga pagkain. Tinignan ko ang gawi sa counter napangiwi ako ng makitang sobrang haba nang pila. Kaya paano siya ka agad na ka order?
Nang maka upo siya ay agad akong nag salita.
"paano ka naka order agad?" tanong ko at kinuha ang pagkain at inumin ko sakanya.
"wow, wala manlang thank you?"she said with sarcastic tone.
"edi thank you." masungit kong turan kaya naman napa irap siya.
"uhmm sagot ko sa tanong mo, kasali ako sa amorals." saad niya at nilantakan ang pagkain.
"amorals?"saad ko at sinubo ang pag kain.
"ang mga amorals ang nag sisilbing pinuno ng bawat ranggo." paliwanag niya
"oh I see. Bakit hindi ka sumama sa kanila?"
"ayoko, binubully lang nila ako roon" nakasimangot niyang turan
"bakit naman?" tanong ko pa
"kasi mas gusto ko sayong sumama!" ang kaninang naka simangot ay masaya na ngayon.
"bakit naman? hindi naman tayo mag kaibigan." malumanay kong saad agad naman siyang napa simangot ulit.
"basta, mag kaibigan na tayo!" saad niya at nag pout pa. Napa iling nalang ako. Hindi ko alam kung maituturing ko siyang kaibigan dahil wala ako pinag kakatiwalaan kahit sino.
"ano pala kapangyarihan mo?" tanong niya pa habang ngumunguya.
ano nga ba ang kapangyarihan ko?
"I don't know" maikli kong saad "ikaw?" tanong ko at uminom ng tubig.
hindi ko naman talaga alam kung ano ang aking kapangyarihan.
physical attack lang ang kaya ko. Remember nung halos maguho na yung university sa pinag aaralan ko rati sa mundo ng mga tao? sinuntok ko lang naman.
"ahh, ako kasi kaya kong kontrolin ang lupa." saad niya at proud pa
"okay." walang emosyong saad ko
"wag ka mag alala, tutuklasin natin kung ano ang kapangyarihan mo." nakangiti niya pang dugtong sa sinabi tumango na lang ako.
"mer-" mag sasalita pa sana si Agatha ng mag tilian ang mga tao kaya napatingin kami sakanila. Napataas naman ang aking kilay ng may dumating na 6 na bulto ng mga ito.
"anjaan na sila.." mahinang sambit nito saakin.
"sino?"tanong ko at tumingin sakanya
"6 amorals." maikli niyang pahayag.
Tumitig ulit ako sakanila tatlong amorals ang may suot na moon necklace. Dalawang babae at isang lalaki. Sumunod naman akong tumitig sa tatlo pang may suot na tatlong sun necklace, dalawang lalaki at isang babae.
isa-isa ko silang tinitigan. Magaganda sila at gwapo parang diyosa o diyos ang kanilang dating dahil para silang hari at reyna kung mag lakad. Nahinto ang tingin ko sa lalaking may suot na sun necklace walang emsyon siyang naglalakad papunta malapit sa table namin.
Nang maramdaman niyang may naka titig sakanya ay agad niyang inilibot ang tingin. Huminto ang tingin niya saakin agad akong napa iwas ng tingin.
"Agatha sino sila?" tanong ng makitang naka titig din pala siya rito
"sila ang 6 amorals. Yung tatlong taga sun sila ang ang namumuno roon. Si Theodore Alastair yung lalaking walang pake alam sa paligid, si Theron Alastair yung nag papacute sa mga babae at si Sheena Placido ang pinaka masungit." mahaba niyang sambit.
"yung tatlo naman na taga moon sila ang namumuno roon. Si Karina Cosella yung pinaka seryoso ang muka pero lahat naman sila seryoso, ang kaso lang minsan shy type si Kaori Lim yung babaeng maiksi ang buhok, si Daniel Craig naman yung lalaking naka ngisi." paliwanag niya para maintindihan ko.
mag sasalita pa sana ulit siya ng may tumawag sa kanya, sa tabi ng table namin kaya napatingin ako na roon pala naka upo ang mga amorals at nakatitig saamin.
"uy si Agatha oh, kaya pala ayaw na saatin kasi may kasama siya." natatawa nitong sambit kay Agatha, sa pag kaka alala ko siya si Theron
"epal kaba!?" inirapang saad ni Agatha sa lalaking nag ngangalang Theron.
"ouch!" saad nito at umaakto pang nasasaktan.
"tama na yan, para kayong mga bata!" masungit na saad nung babaeng nag ngangalang Sheena. Kaya napatingin ako roon.
"ang weird. Bakit ka may suot na maskara? you're ugly ba?" saad nung Theron habang nakatitig saakin.
"hoy, epal ka talaga! ano naman kung meron siyang suot na ganyan?" mataray na saad ni Agatha
"tsaka ikaw yung pangit eh!" dugtong pa ni agatha
"the heck! ikaw yun!" sambit ni Theron at masamang tumitig kay Agatha.
napatigil ang pag titig ko sakanila ng may nararamdaman akong nakatitig saakin.
nakita kong nakatitig saakin si Theodore parang tagos sa kaluluwa kong mga tinginan niyang yon.
"hey, what wrong with you? kanina kala naka titig kay ano?" saad nung Kaori habang nakatitig kay Theodore at sunod na tumingin saakin. "sino ka nga?" tanong niya saakin.
"Frost." maikli kong pa kilala sa sarili ko. Napatanga naman sila sa sinabi ko.
"grabe, yun lang? walang age? or saang kaharian ka nabibilang?" sabi nung nakangising lalaki na ang tanda ko ay Daniel ang pangalan.
"sa tingin ko, hindi na namin pa kailngang mag pa kilala kasi napakilala naman na kami ni Agatha. Right Agatha?" saad naman nung karina, nagtataka ko naman siyang tinignan.
"that's her ability, kaya niyang marinig ang boses kahit na nasa malayo pa kaya siguro narinig niya na rin yung sinabi kanina ni Agatha." paliwanag naman ni Kaori kaya tumango ako.
"hindi ko mabasa ang isipan mo." malamig na saad nung Theodore kaya nag si tinginan sila kay kay Theodore.
"oh? kala ko ako lang ang hindi mabasa ang kaniyang isipan, kanina ko pa nga gustong basahin pero hindi ko lamang pinansin na." saad naman ni Theron
"hindi ko rin mabasa."saad ni daniel
"me too" singit pa nung sheena
"hindi ko rin mabasa hehe" saad ni kaori
"me too, paanong hindi namin mabasa ang isipan mo? sadyang lahat ng student dito ay na babasa namin ang isipan." saad naman nung karina at nag tatakang nakatitig saakin. Tumikhim naman si Agatha at nag salita.
"ahmm guys, mamaya nalang tayo mag usap! tsaka pwede ba hinaan niyo nga mga boses niyo kita niyo ngang mag kaiba tayo ng table." naiiritang pahayag ni Agatha sa kanila.
"grabe ka naman sa maingay" naka pout na saad ni Theron.
"tara na Frost!" saad ni Agatha at hinila ako palayo sakanila narinig ko naman ang sigaw nung Theron.
Nang makalayo kami ay agad nag tanong saakin si Agatha.
"Frost, hindi ko rin mabasa ang isipan mo ano ba talaga kapangyarihan mo?" tanong niya. "kasi ang may kakayahang pigilan ang pagbasa ng kung sino sa isip ay isang kagaya namin." saad niya pa
"I don't know, and to be honest hindi ko rin kilala ang sarili ko." saad ko at malungkot na tumingin sa langit.
"uhm sorry." hingi niyang paumanhin.
"okay lang" malamig kong saad at patuloy na nag lakad. Sumunod naman siya at hindi na nag salita.
sino nga ba talaga ako?
bakit ang na aalala ko ay dito ako nabibilang?
ang hirap kapag hindi mo kilala ang sarili mo.