C H A P T E R 5

916 Words
Chapter 5 Nung tumapat sa bahay ko ang taxi ay binigay ko ang isang libo kay kuyang driver kahit 200 lang babayaran ko. Kukuha sana siya ng panukli pero pinigilan ko. "Keep the change, kuya." At nginitian ko siya bago lumabas ng sasakyan. Narinig ko pa ang pasasalamat niya. Masaya akong pumasok sa bahay ni Nanay Imelda. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng anak ko. Agad ko naman siyang binuhat at pinaghahlikan sa pisngi. "My! You're home na." Maligayang sabi ng anak ko. "Yes, anak. Tanggap na sa trabaho si mommy." Nakangiti kong sabi. Ngumiti ang anak ko at hinalikan ako sa pisngi. "'Grats 'grats, mymy!" Natawa naman ako ng hindi niya tuwid na nasabi ang 'congrats', well he's still 3. "Saan si nanay granny mo?" Tanong ko at inayos ang buhok niya. Humaba na 'to, ayaw niya raw pagupitan. "Sa kitchen po, my." Sabi niya. Hinalikan ko ulit siya sa pisngi at tumungo sa kusina. "Mukhang masaya ka ngayon ah?" Salubong sakin ni nanay noong pumunta kami sa kusina. "Opo, nay. Natanggap po kasi ako sa isang kompanya. Pero ang weird nga po kasi kilala ako nung guard at nung may-ari." Sabi ko at pinaupo sa upuan si Drew. "Talaga ba? Saang kompanya ba iyan?" Tanong niya habang tuloy sa paghalo ng niluluto. "Sa Imperio Empire po." Napansin ko namang napahinto si Nanay. "May problema po ba, nay?" Tanong ko nung ilang segundo na pero di pa rin siya nagalaw. "W-wala. I-imperio Empire ba kamo?" Utal na tanong niya. May narinig pa kong binulong niya pero di ko naintindihan kaya di ko na lang pinansin. "Opo, nay. Alam niyo po yun?" Tanong kobhabang hinahanda ang mesa. Gutom na gutom na ko. "Oo naman, sinong di makakakilala roon eh ang laking kompanya noon." Sabi ni nanay at pinatay na ang stove at kumuha ng lalagyan ng ulam. "Kaya nga po eh. Buti nga po natanggap ako. Malaki rin po sahod nun, sapat na para makaipon para sa future ni Drew." Sabi ko at binalingn ang anak ko na naghihintay ng pagkain. Tumingin din si Drew sakin at ngumiti. "Mabuti naman pala kung ganun. Oh, siya. Kumain ka na para makapagpahinga ka, alam kong pagod ka." Tumango ako at kumain habang sinusubuan din ang anak ko. "Bukas na rin po pala ang start ko. Buti may mga formal attire po ko. Pasabi po kay Kate na papasama po ako pag may pera na po ko sa ukay-ukay." Sabi ko kay nanay. "Sige sige. Pag-igihin mo bukas ah?" Sabi ni nanay at hinaplos ang buhok ko. "Oo naman po. Para kay Drew." Nakangiting wika ko. Pagtapos kumain ay dumiretso na ko sa kwarto dala dala si Drew. Nilapag ko siya sa kama at binigyan ng laruan. "Drew, wag kang malikot ah? Maglilinis lang si mommy." Tumango naman siya at focus na ang mata sa mga laruan. Napangiti naman ako. Dumiretso naman ako sa cabinet na nilalagyan ng damit namin at kumuha ng sando at pyjama tapos dumiretso sa banyo. Pagtapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago tumabi sa natutulog na na si Drew. Napangiti naman ako dahil yakap yakap niya ng laruang sasakyan at may ngiti sa labi. Mukhang nananaginip ang anak ko. Inayos ko naman ang higa niya at kinumutan. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. Tinitigan ko ang anak ko. Don't worry, Drew, anak. Lahat gagawin ni mommy para sayo, ayokong maranasan mo ang hirap ng buhay. Magsusumikap ako na mabigay lahat ng nais mo. Nandito lang si mommy for you all through out kahit wala si Daddy mo, o kung meron ka nga nun. Di kita papabayaan kahit ako lang mag-isa magtaguyod sayo. Mahal kita, anak. Hinalikan ko ang noo at pisngi niya bago niyakap ng mahigpit. Nagdasal din ako na sana maging maayos ang trabaho ko bukas. —————————— Nasaan ako? Nilibot ko ang tingin ko at hindi ko masyadong maaninag ang kwarto dahil medyo madilim. Nasa isang gilid lang ako. Nilibot ko ang tingin at nakita ang isang kama at may dalawang tao roon. Nakita kong parehas silang hubad pero malabo ng mga mukha nila. Naghahalikan silang dalawa at tila may kumikirot sa dibdib ko. Bakit ganito? Naramdaman kong parang may kumikiliti sa mukha ko kaya hinawakan ko ang pisngi ko. Ano 'to? Basa? Luha? Lumuluha ako? Bakit? Tinignan ko ulit ang dalawa pero nakahinto na sila at nakatingin sa pinto. Tinignan ko rin ang nasa pinto at nakita ko ang sarili kong nakatayo at umiiyak. Nilapitan ko ang sarili ko. Bakit ka umiiyak? Tanong ko na para bang sasagutin nako nito. "Abri, let me explain." Rinig kong sabibng lalaking may malabong mukha. Bakit parang familiar ang boses? Nakita kong sinampal ko siya at tumakbo ako palabas. Sinundan ko siya at unti-unti akong nilamon ng kadiliman. ——————————— Napabalikwas ako ng gising at hinihingal na napaupo sa kama. Agad kong ininom ng isang basong tubig sa side table ko. Lagi 'tong meron tuwing gabi. Bakit ganun? Sino yung nasa panaginip ko? Pinunasan ko ang pawis ko at tinignan ang anak ko na mahimbing na natutulog. Niyakap ko agad ang anak ko at winaglit sa isip ko ang napanaginipan ko at nag-isip ng magagandang bagay tulad ng pag-uumpisa ko sa trabaho bukas. Napangiti ako ng maalala ito kaya nakangiti rin akong natulog ulit. Sana talaga maging maayos ang ahat bukas at sana magawa ko ang lahat ng gagawin ko bukas ng tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD