Chapter 4
Being a single mom is hard. That's why I salute those single moms like me out there. We, single moms, always worry about the welfare of our child or children. We worry about there future, we worry about not giving them enough, we worry about anything that involves our child or children.
That's why I'm here in front of a huge company with my credentials in the envelop. Imperio Empire is a well-known company in every part of the countries. They don't tolerate inefficient people and inefficiency in their works. That's why they are meticulous in finding people. I am actually nervous. When I step in the door way I felt like I've been here before. My heart throb a bit.
"Miss, ano po kailangan nila?" 'Di ko napansin na nakalapit an pala si kuya guard. Humarap ako sa kaniya at para naman siyang nagulat kaya nagtaka ako.
"Ma'am A-abri?" Utal na tanong ni kuya. Napakunot noo naman ako.
"Kilala mo ko, kuya?" Takang tanong ko. Hindi naman siya nagsalita at saglit pa na tumulala.
"T-tuloy na po kayo, ma'am. Gusto mo po assist ko kayo? Sa office ka po ba ni sir?" Sunod-sunod na tanong ni kuya kaya medyo nahilo ako.
"Ah, hindi na po. Anong floor po ba ang HR Department? Maga-apply po sana ko eh." Pag-iiba ko. Pansin ko rin ang iilang taong nakatingin sakin at nagbubulungan ang iba tila gulat din.
"Sa secretary po ba, ma'am? Doon na lang po sa top floor, sa office po ni sir. Siya po kikilatis kasi mapili po yun sa empleyado. Sa dami ng pumila kanina wala pong natanggap. Pero sigurado ako, matatanggap ka ma'am." Mahabang litanya ni kuya Lando. Yun ang nakalagay sa name plate niya. Natawa naman ako at ngumiti sa kaniya.
"Sana nga kuya. Kailangang kailangan ko 'to eh. Paano? Uuna na po ko." Nakangiti kong sabi.
"Sige po. Good luck, ma'am." Natawa ako nung sumaludo siya. Umiiling-iling akong naglakad papunta sa elevator. Pagpasok ko ay sakto ako lang mag-isa. Pinindot ko ang top floor button at naghintay na makarating sa floor na iyon. Makalipas ang isang minuto ay nakarating na ko, may isang receptionist doon kay nilapitan ko.
"Miss, saan ang office ng CEO? Maga-apply sana ko." Nakangiti kong tugon. Ngumiti naman ang babae at giniya ako papunta sa isang kwarto.
"This way ma'am." Sabi niya at binuksan ang pinto. Sinensyasan naman niya ko na maghintay.
"Sir, there's one applicant here. Prolly the last one for today." Almost 5 na rin kasi ako, ang dami kong inapplyan at ito ang huli king chance.
"Let her in." Natulos ako sa sobrang lamig ng boses at parang pamilyar sakin yun. Parang kumalma ang puso ko sa narinig ko.
Binalingan naman ako ng babae at ngumiti sakin bago bumalik ulit sa kaniyang pwesto. Pumasok naman ako ng dahan-dahan at ganun din sa pagsara ng pinto.
"Just this one, Xav. I need your help. I still can't find her and I'm near to losing hope." Tila hirap na hirap si Mr. Imperio. Nakaramdam naman ako ng awa.
"I know everything is my fault. But I can't let her-" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaling siya sakin.
Those blue eyes who were like the sea. It drowns me deep in my own thoughts. I felt like his eyes is the most beautiful eyes I have ever seen. I felt like I have seen those beautiful orbs of his before.
Mabilis siyang tumayo sa upuan niya at dahan-dahang pumunta sa harap ng mesa niya. Medyo malayo ako dahil nasa pinto pa ko.
"A-abri?" Napakunot naman ang noo ko nung tinawag niya ko sa pangalan ko.
"Kilala mo rin ako?" Takang-taka na tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.
Kita ko naman na unti-unti siyang nalapit sakin kaya medyo kinabahan ako at naalarma.
"Hep! Hep! 'Wag kang lalapit. Hindi porket ikaw ang boss ko, kung papalarin, ay may kung anong pwede ka ng gawin sakin." Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko.
Pansin ko naman na napahinto siya at nakakunot ang noo niya.
"Hindi mo ko kilala?" Kunot noong tanong niya.
"Bakit? Magtatanong ba ko kung paano mo ko nakilala kung kilala kita?" I almost said the 'duh' word. Obvious na obvious na nga eh.
Para siyang tuod sa kinatatayuan niya. Maya-maya ay bigla na lang siyang natawa. Hala, nabaliw na siya. Habang natawa ay pansin ko ang luha sa mata niya. Naalarma naman agad ako.
"Hala, bakit ka naiyak? May nasabi ba ko? I'm sorry!" Sabi ko at agad na pinalo palo ang bibig ko. Ang daldal mo kasing bibig ka eh. Shattap ka na nga lang.
"No, no. It's fine. I'm fine." Sabi niya habang pinupunasan ang mata. Adik ba 'to? Okay pero umiyak? Ano yung iyak niya trip trip lang? Hanep sa horayt.
Bumalik naman agad siya sa upuan niya at sumandal sa swivel chair. Tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya medyo ilang ako.
"By the way, why are you here?" Sabi niya.
"I'm applying as secretary." Sabi ko habang nakatayo lang sa pwesto ko.
"You're hired." Sabi niya kaya gulat ako.
"Weh? Talaga? Agad-agad? Walang issa prank na susunod? " Di makapaniwalang tanong ko. Mukha naman siyang tanga na tumango.
"Wala ng bawian ah? Magbawi makakalbo." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Yeah. You can start tomorrow. You can get your schedule from the receptionist in front of my office. Make sure to be here on time." Nagsalute naman ako sa kaniya.
"Yes, sir! Bye sir! Thank you po. Have a great day!" Agad akong lumabas at tinungo ang receptionist at sinabi ang pakay ko. Binigay namn niya ito agsd ito at sumakay ng elevator.
Pagbaba ay masaya akong pumunta sa pwesto ni Kuya Lando.
"Kuyaa." Pakantang tawag ko. Natatawa naman siyang bumaling sakin.
"Tanggap ka no?" Nakangiting sabi niya.
"Opo! Ikaw ang anghel ko kuya. Lilibre kita sa unang sweldo ko." Nakangiti kong sabi.
"Asahan ko yan." Nakangiting sabi niya.
Nagpaalam naman na ko. Kinindatan ko si Kuya at sinaluduhan ko siya bagonumalis at pumara ng taxi. Yes! Sa wakas may trabaho na ko.