C H A P T E R 3

631 Words
Chapter 3 Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Naging maayos naman ang buhay namin at lumaki ng malusog ang anak kong si Drew. "Happy birthday to you. Blow the candle, Drew." Nakangiti kong sabis a anak ko na ngayon ay tatlong taong gulang na. Hinipan naman niya ng kandila kaya pumalakpak kami lahat. "Thank you, My!" Masiglang sabi ng anak ko. "Welcome baby, anything for my one and only baby." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Hindi na ko baby, my." Nakanguso niyang sabi kaya natawa ako. "Anak, kahit diretso ka na mag salita you will remain as my baby." Sabi ko at binuhat siya bago niyakap ng mahigpit. "Hmp! Put me down, mommy. I wanna play." Sabi niya kaya agad ko namn siyang binaba. "Don't play too much, baka matuyuan ka ng pawis. 'Wag kang lalayo." Paalala ko sa kaniya. Nginitian naman niya ko ng matamis. "Yes, my! Wuv you!" Sabi niya with flying kiss aktong sinalo ko naman ito. Tumalikod na siya at tumakbo sa mga batang nasa isang gilid. Ramdam ko naman na may tumabi sakin. "Ang bilis ng panahon ano? Parang kahapon lang ang liit liit pa niya." Rinig kong sabi ni manang. "Kaya nga po eh, sana hindi muna siya lumaki." Sabi ko na may himig na lungkot. "Mahaba pa ang panahon, anak. Matagal mo pang makakasama ang anak mo, kaya sulitin mo na." Sabi niya yumakap naman ako kay Nanay Imelda. "Kailangan ko na siguro maghanap ng ibang trabaho, nay." Biglang sabi ko. Kumalas naman ako sa yakap kay Nay Imelda at tinignan siya. "Bakit? Okay naman tayo sa karenderya at sari-sari store natin." Sabi niya. "Oo nga po, pero nalaki po si Drew and I need a better income. In two years mag-aaral na siya and kailangan kong paghandaan yun. Dadami na rin ang pangangailangan niya at ayaw ko magkulang." Mahabang paliwanag ko, naiintindihang tinignan naman ako si Nay Imelda. "Oh siya, alam ko namang di na kita mapipigilan eh. Sabihin mo sakin kung kailan mo balak mag apply at ihahanda ko mga papeles mo na tinago ko." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko. Ngumit naman ako. "Sige po, nay." Sabi ko at binalingn na ulit ang party. Pag sapit ng gabi ay nagligpit na kami lahat. Ang daming kailangang hugasan at alam kong pagod na si Nay Imelda. Nasa kwarto na rin si Drew at nakatulog agad matapos linisan. Dala na rin siguro ng pagod, bukas na raw niya bubuksan ang kaniyang regalo. Pumunta ako ng kusin at naabutan ko si Nay Imelda at Kate. "Nay, kami na ho ni Kate diyan. Magpahinga na po kayo, alam ko namang agod po kayo." Sabi ko at tinalian ang buhok ko. "Sigurado ka?" Paniniguro ni Nay Imelda. "Opo, pahing na po kayo. Baka rayumahin na kayo." Natatawang sabi ko at tumawa rin si Kate. "Naku kang bata ka, niloko mo na naman ako. Sige na nga. Magpapahinga na ko at baka ako'y rayumahin nga." Natatawa naman kaming nagpaalam kay Nay Imelda. "Tulungan na kita diyan, Kate." Sabi ko at kumuha ng isang sponge at nagsimula na maghugas. Makalipas nag ilang minutong katahimikan ay binasag ito ni Kate. "Ate, pwede mag tanong?" Alanganing sabi niya. "Oh sige, ano ba yun?" Sabi ko hbang patuloy sa paghuhugas. "Nasaan po ang asawa mo? Sorry ate ah? Curious lang po talaga ko." Nakangiting binalingan ko siya. "Hindi ko alam. Hindi rin ako sigurado kung may asawa nga ba ko. Tumigil na ko umasa na meron dahil kung merin nga, nasaan siya? Bakit hindi niya kami hinahanap? Okay na ko na meron akong Drew sa buhay ko." Sabi ko habang hinuhugasan ang mga kawali. "Paano ate kung meron at biglang dumating? Tatanggapin mo?" Tanong niya ulit. Napahinto ako dun. "Kahit wag mo na sugutin ate hehe." Nagpatuloy siya sa paghuhugas. Ganun din ako. Nasa isipan ko pa rin ang tanong ni Kate nung pumasok ako sa kwarto namin ni Drew. Tinignan ko ang anak ko. Tatanggapin ko nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD