C H A P T E R 2

588 Words
Chapter 2 After 4 months Finally! Makakalabas na rin ng hospital. "Nay, saan po tayo titira? Kailangan ko na rin po maghanap ng trabaho." Sabi ko habang karga ng anak ko na kalmado lang. Mabuti na lang at mukhang tahimik itong anak ko. "Magtatrabaho ka na agad? Sa susunod na buwan ka na magtrabaho at baka mabinat ka." Nag-aalalang sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Nay, wag na po kayong mag-alala sakin. Ayos na ayos na po ang pakiramdam ko. Alam kong aya ko na po, at isa pa, kailangan ko rin po ng pera lalo na at meron na ko ng cute na bata na ito. Kailangan kong mabigay mga kailangan niya." Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makita ang ngiti ni Drew. "Mukhang hindi naman na kita mapipigilan. Doon na muna tayo sa bahay ko, malinis na ang lahat doon." Sabi ni manang kaya napabaling ako sa kaniya. "Sige po." Pumara na kami ng taxi at aga na sumakay dahil nainit na. Habang nasa sasakyan ay may naalala ako. "Nay, wala po ba kong magulang? Eh, asawa po?" Halatang nagulat si Nanay sa bigla kong tanong. "A-ano. Mahirap kasi ipaliwanag, anak. Ayoko rin muna na mastress ka kasi kalalabas mo pa lang. Pag-usapan natin sa susunod, ha?" May pag-aalinlangang sabi niya. Ngiting nakakaintindi naman ang binigay ko kay Nay Imelda. Buti at tulog na rin ang anak ko, mukhang as lumusog pa siya kaya tuwang tuwa ako sa pisngi niyang mataba. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa bahay ni Nay Imelda. Malaki laki rin ang bahay. May nakatayo namng babae sa tapat ng pintuan at nang makita kami ay lumapit agad samin. "Nay, buti naman po at nakauwi na kayo. Ako na po dyan." Kinuha niya ang mga gamit namin na awak ni Nanay Imelda. "Oh, Kate. Sige, ipasok mo na yan at para makapahinga na rin itong ate Ana mo." Sabi ni Nanay at inalalayan akong pumasok sa bahay. Pagpasok ay agad ko itong sinuri. Malawak ang bahay. Kita kong may tatlong pinto sa gilid na sa tingin ko ay kwarto, malawak din ang sala. Bamboo ang upuan na nilagyan ng unan para komportable upuan, mag TV na hindi ganun kalakihan at may mesang maliit sa gitna. Ang kusina naman ay kompleto rin may ref na hindibganun kalakihan, may mesa sa gitna na kasya ang anim na tao, at lutuan. "Ang ganda naman po ng bahay niyo, Nay." Nakangiting sabi ko. "Naku, ang liit nga nito eh." Nahihiyang sabi ni Nay Imelda. "Nay, wala po sa laki o liit para masabing maganda. Maganda ito dahil ramdam ko na puno ng saya ang bahay na ito." Napangiti naman si Nay Imelda. "Naku kang bata ka, sige na ilapag mo muna yang si Drew sa crib na nas kwarto mo. Yung unang pinto ang kwarto ninyo. Nandun na rin ang gamit mo." Imporma niya sakin. "Sige po, nay. Bigat na rin nito ni baby eh." Natatawa kong sabi, napangiti naman si nanay. "Oh siya sige na, para makapahinga ka rin. Tawagin na lang kita pag kakain na ng tanghalian." Sabi niya. Tumango na lamang ako at pumunta na sa kwartong sinasabi ni Manang. Pagpasok ay sinarado ko na ang pinto. Malawak din ito. May kama na tingin ko ay kasya ang dalawa, may electric fan sa dulo ng kama, nasa gilid ng kama ang crib. Nilapag ko muna si Drew doon. May sariling cr din itong kwarto, at may kabinet sa gilid nito. Ang ganda. Pinuntahan ko ang mga gamit nmain ni Drew at agad na inayos sa kabinet. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama na malapit sa crib, pag higa ay agad akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD