Bharbie's point of view. Si Kurt ang gumising sakin ngayong umaga dahil sabay raw kaming papasok. Kanina pa nga kami naglalakad sa hallway pero itong isa tulala pa rin. "Sobrang hirap pala talaga magtago ng sikreto noh?" parang tangang sabi niya habang naglalakad. "Ano bang pinagsasabi mo? May problema ba?" takang tanong ko sa kanya. "Bharb..." Tumigil siya sa paglalakad at nalungkot. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Mukhang ang dami dami niyang iniisip na problema ngayon. Ayoko naman siyang kausapin dahil mukhang ayaw niya pang sabihin sakin ang bagay na 'yon. Hinawakan ko lang ang kamay niya at seryoso siyang tinignan. "What's wrong?" Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Alam kong pilit lang ang mga ngiti niyang 'yon dahil kilala ko na si Kurt. Alam ko na kung masaya

