Bharbie's point of view. Nakatingin lang ako kay Danica at patuloy na pinagmamasdan ang mukha niya habang natutulog. "Hmm.." Naalimpungatan na yata siya kaya agad akong umiwas ng tingin dito. "Ate bharbie, nasaan po tayo?" "Nasa dorm tayo ng kaibigan ko. Dinala ka niya rito para gamutin ang mga sugat mo." "Ganon po ba. Anong oras na po? Matagal po ba ang tulog ko?" Umiling ako sakanya. "Nandyan lang naman ang dorm natin sa tabi nito kaya kahit anong oras tayo umuwi, okay lang. Teka, ayos ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" tanong ko. Umiling lang siya saka ngumiti. "Oh? Anong nginingiti ngiti mo dyan?" mataray kong tanong. "Wala po. Nakakatuwa lang kasi dahil para po kayong kapatid ko." sabi niya. Umiwas siya ng tingin sakin at biglang nalungkot. "May problema ba?" tanong ko. "G

