"Nasaan siya?" ang mahinahon ngunit galit kong tinig. Sa lahat talaga ng ayaw ko ay ang niloloko ako at gusto akong isahan. Asang-asa pa naman ako pero malalaman kong isang malaking kalokohan lang pala ang lahat. "Naroon siya, Sir." Sagot ni Agaton at saka itinuro ang taong pakay ko ngayon. Hinugot ko sa kaliwang tagiliran ni Agaton ang baril na nakasiksik sa kanyang pantalon at saka gigil na ikinasa. Isang lalaki ngayon ang mahigpit na nakatalisa isang bangkong kahoy. Duguan ang mukha at halatang pinahirapan na ng mga tauhan ko dahil halos namamaga na ang buo niyang mukha at hindi na maimulat ang mga mata. Ang lakas ng loob niyang magpanggap na may nalalaman sa taong pinapahanap ko para lang perahan ako kaya hindi ko siya mapapatawad at parurusahan ko siya sa paraan ko. Humarap ak

