"Kumain ka ng mabuti, anak. Kung may gusto ko pa na orderin ay sabihin mo lang at bibili na ako." Nakangiti kong sabi sa anak kong si Light. Araw ng sahod ko ngayon kaya bilin ko sa kanya na pagkagaling niya sa school ay tumuloy na siya sa harap ng company at doon na lang ako hintayin dahil kakain kaming mag-ina sa labas. "Sobrang dami na nitong mga inorder mo, Ma. Baka nga hindi na po natin maubos." Sagot ng anak ko na kasalukuyan ng ngumunguya ng french fries. "Naku, anak. Para saan pa ba at nagpapakahirap akong nagtatrabaho Hindi ba para sayo? Para mabigay ko ang mga nais ay gusto mo. Konting-konti na lang nga at mabibili ko na ang laptop na pangarap mo." Masaya kong balita sa anak ko. Nakaipon na sana ako ng pambili niya ng laptop sa mga pera na binibigay sa akin si Dark Lee pero n

