"Salamat po," at saka ko na isinara ang pinto ng condo matapos kung pasalamat ang isang guwardiya sa ibaba na tumulong para maiakyat ko si Dark Lee na hanggang ngayon ay walang malay at kahit ihulog ko sa bangin ay wala siyang kalaban-laban. "Ma, ganito po pala ang itsura ng condo? Ang ganda po, sobra. Sana po pala sumama na ako sa inyo dati kapag niyayaya niyo akong magpunta dito," saad ni Light na nakasilip pa sa malaking bintana sa silid ng aking amo. Kasalukuyan ko kasing pinupunasan na malamig na tubig itong lalaking sinundo namin sa bar. Hinubaran ko siya ng pang itaas na damit at iniwan ko na lang ang pang ibabang suot niya. Mahirap na at baka paratangan niya ako na pinagnasaan ko na ang katawan niya habang wala siyang malay. "Ma, mag-isa lang po na nakatira si Sir Dark dito? A

