Halos hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak na hindi ko maintindihan. Gusto kong uminom ng malamig na tubig pero kahit ang pagmulat ng mga mata ko ay hindi ko magawa. Pilit kong inalala kung anong nangyari kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung nasaan ba ako. Natatandaan ko ay tumawag sa akin si Agaton at sinabi ang tungkol sa pagpapanggap ng isang tao na kilala si Marinella at nagbigay pa ng mga pictures na katunayan na kilala niyang talaga ang taong hinahanap ko. Napuno ng galak ang puso ko ng sa sa wakas ay matutuldukan na ang mahabang panahon ko na paghahanap. Ngunit naglaho na lang bigla ng malaman ni Agaton sa isang eksperto na ang pinakita sa aming mga patunay na larawan ni Marinella ay gawa-gawa lamang ng mga photo application online. Galit n

