Episode 44

1502 Words

"Sobrang kapal talaga ng mukha ng lalaking yon! Ako pa ang pinag isipan ng masama? Ako pa ang mapanamantala? Siya pagsasamantahan ko? Mukha ba akong sabik sa lalaki?/Kahit pa sabihin na matigas ang ilang piraso ng pandesal niya sa tiyan ay hindi ko siya pagnanasaan!" maktol ko dahil inis na inis na talaga ako kay Dark Lee na ubod at nuknukan na kapal ng apog. Ang galing talaga ng lalaking yon na itaas sa pinaka mataas level ang galit ko. Sa susunod na maglasing siya at hindi na kayang umuwi sa bahay ay hindi ko na siya susunduin kahit itapos pa siya sa daan ng may-ari ng bar kung saan siya makakatulog ay wala akong pakialam. Magaling talaga siya sa pang-iinis. Halos araw-araw pinahihirapan niya ako. Kita mo kagabi, wala na ako sa trabaho ay pinahirapan niya pa ako sa pagbuhat sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD