Pumikit ako ng madiin at saka bumuntong-hininga. Pinakalma ko ang sarili ko sa labis na galit na naramdaman ng magsalita si Alexis tungkol kay Marinella. Hindi ko kailangan ng tulong niya o ng anak niya. Kaya kong magbayad ng tao para mahanap si Marinella. Pero alam ko naman na wala namang masamang intensyon si Alexis at ang anak niya. Sadyang naawa lang siguro sa akin ang bata kaya na suggest na gusto niyang tumulong. Napakabait na bata. Halatang napalaki ng ni Alexis ng mabuti ang kanyang anak. Nakadama ako ng konting inggit sapagkat sa edad kong ito ay wala pa ako kahit isang anak. Hindi sa ayokong magkaroon kung hindi natatakot lang ako na baka katulad kay Marinella ay hindi ko ma protektahan ang anak ko. Kaya naman sinisiguro ko na hindi ako magkakaroon ng anak sa kahit na s

