"Ang dami mo namang dala-dala longganisa, Alexis. Baka mangamoy longganisa na itong buong building dahil sayo. Huwag mo akong madamay-damay sa oras na may magreklamo sa pag-alingasaw ng homemade longganisa mo. Ayokong mawalan ng trabaho." Reklamo ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho na si Erica. Tinakpan niya pa ang ilong niya na para bang ang baho talaga ng mga longganisa na dala ko. Pareho kaming janitress dito sa Pateros Company. At isa si Erica sa mga naging matalik kong kaibigan sa ilang taon ko na rin na pagtatrabaho bilang taga lampaso ng sahig ng kompanyang aming tinatapakan. "Huwag ka na ng magreklamo pa. Mabuti nga at marami akong mga pa order ngayon. Kailangan ko kasing mag-ipon ng pambili ng laptop ng anak ko. Nakakahiya na rin kasi ang manghiram o makigamit sa ibang tao lal

