Pasado ala singko na ng hapon. Oras na para umuwi na ako ng bahay at tapos na ang walong oras kong trabaho bilang janitress. Salamat din naman at naubos ang mga paninda kong longganisa at walang nangutang kahit isa. Malaki-laki ang maitatabi ko para sa laptop na pangarap kong mabili sa anak ko. Naaawa na rin kasi ako kay Light sa tuwing manghihiram ng laptop sa kaibigan niya. Doon sa bata ay walang problema pero doon sa magulang ay may issue. Sa totoo lang ay hindi naman basta nanghihiram ang anak ko. Nagbabayad siya ng one hundred pesos kada gagamitin niya ang naturang laptop para sa mga dapat niyang gawin para sa school. Kahit wala namang sampung minuto na ginamit ang gamit ay ganun pa rin ang bayad ng anak ko at wala akong reklamo na naririnig sa kanya. Sabi ko nga sa anak ko

