Abala ang lahat ng mga nakakataas sa pwesto sa pag-istima ng kung anu-anong mga bagay sa loob at labas ng kumpanya. May mga lobo at may mga pabulaklak pa sa bawat sulok dahil nga ngayon araw darating ang bagong owner ng Pateros Company na hindi maglalaon ay tiyak na papalitan na ang pangalan. Wala namang kaso sa akin kung magpalit lagi ng bagong owner o kahit pa magpalit pa araw-araw ng pangalan ang kumpanya. Ang mahalaga ay hindi maaapektuhan ang trabaho ko. Trabaho lang ng trabaho para sa sahod at para mabuhay. "Bakla! Nilinis mo bang mabuti ang buong second floor? Kailangan kumikinang sa kinis ang bawat sahig. Tipong makikita ng bagong owner ang kanyang repleksyon!" bulalas sa akin ni Erica na akala mo ba ay sinilihan ang puwet na hindi mapakali mula pa kaninang nag start kaming m

