"Agaton, may napansin ka ba sa itsura ng anak ni Miss Kabiling? Tulad ng mga mata niya? Oo, may pagkasingkit gaya ng Mama niya pero iyong kung paano siya tumingin, may napansin ka ba? Para kasing may kakaiba sa batang yon? Hindi ko alam kung ano pero alam kong meron." Ang nalilito kong tanong kay Agaton ng makaalis sina Alexis at Light. Light, kabaliktaran ng ibig sabihin ng pangalan ko ang ibig sabihin ng pangalan ng anak ni Alexis. Kanina ng kaharap ko ang batang yon ay may kakaiba akong naramdaman lalo ng makipag shake hands siya sa akin at titigan ako sa aking mga mata. Ano na naman ba kaya ang nararamdaman kong ito? Epekto ba talaga ito ng gayuma na nilagay ni Alexis sa longgnisa ko? At saka bakit kailangan mag resign ni Miss Kabiling sa trabaho? Dahil kaya sa akin? Dahil ayaw

