Isasara ko na sana ang bintan sa sala dahil aakyat na kami ng anak ko sa itaas para mahiga na ng may mapansin akong tila may tao sa harap ng aming gate. Dahan-dahan akong lumabas para tingnan kung sino pero laking gulat ko ng makilala kung sino. Si Dark Lee! Anong ginagawa ng lalaking ito dito pa mismo sa harap ng bahay ko? Sinundan niya ba ako para pagbantaan na kapag may ginawa akong masama laban sa kanya ay papatayin ako at ang anak ko? Baka akala niya ay kaya ako umalis ay para malaya na akong makapagsumbong sa ginawa niya sa akin. Kitang-kita ko nga sa mukha niya kanina ng magkita kami sa labas ng building na nagulat siya ng malaman na nag resign na ako sa trabaho bilang janitress. At pinipigilan niya pa akong umalis. At sinusubukan na kumbinsihin na bumalik ako. Gago talaga!

