Ilang araw pa lang na simula ng umalis na ako sa trabaho. Pero miss na miss ko na ang pagiging janitress, ang mga kaibigan ko sa second floor at ang dalawang matalik kong kaibigan. Alam kong isang araw ay bigla na lang susulpot dito sa bahay para kamustahin ako nina Erica at Joy. Kung sakaling mapansin na nila na buntis ako ay hindi ko naman ipagkakaila lalo pa at kung hindi ko na talaga maitatago ang malaki kong tiyan. Pamilya ko sila kaya batid kong mauunawaan nila ako at kung bakit pinili ko na huwag sabihin kahit sa kanilang dalawa ang tunay na dahilan kung bakit ako na resign sa trabaho. Napakaganda ng sikat ng araw at pagkakaton ko ba sana kung maglalaba ako pero heto at tamad na tamad akong bumangon sa kama. Gusto ko lang mahiga at pumikit pero hindi naman ako natutulog. Ba

