"Sir, sinunod ko po lahat ng naging utos niyo. Bumili po ako ng mga bulaklak at prutas para kay Miss Kabiling. Ngunit ang kaibigan niya po ang kumuha ng bouquet of flowers na inabot ko samantalang ang fruit basket ay inilapag ko po sa harap ni niyam Wala rin pong anuman na sinabi si Miss Kabiling about sa mga inabot ko na galing sa inyo. Ang mga kaibigan niya po ang nagpasalamat sa inyo." Narinig kong sagot ng bago kong personal assistant ng tanungin ko ang tungkol sa mga pinabibigay ko kay Alexis. Hindi niya inabot? Ibig sabihin ay ayaw niya at malamang na galit na galit nga siya sa akin. Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa ko, hindi ba? Walang sinuman ang matutuwa sa ginawa ko. Kung bakit naman kasi ang gago ko at ano bang klase ng masamang espiritu ang sumanib sa akin para gawin

