Nagpahinga lang ako ng isang araw. Inayos ko lang ang sarili ko at nag-isip ng kung anong mga dapat kong gawin at mga hakbang. Kung ihahabla ko si Dark Lee ay magsasayang lang ako ng oras at panahon dahil sinasampal naman talaga ako ng katotohanan na anong laban ko sa makapangyarihan na gaya niya. Kaya wala rin akong mapapala. Ilalagay ko pa ang anak ko sa kahihiyan. Hindi ko iniisip ang sarili ko kung hindi lagi ang kapakanan ng anak ko na siyang baka maging tampulan ng tukso sa oras na ireklamo ko si Dark Lee. Pero kung inaakala ng demonyong yon na ganun na lang ang lahat ay nagkakamali siya. Hahanap ako ng paraan para gantihan siya. Ilang beses kong nagawa na ipahiya siya sa mata ng nakakarami kaya malaki ang tiwala ko sa sarili ko na magagawa ko ulit ang bagay na yon. Pero sigu

