Kinabukasan ay pumasok pa rin ako kahit napuyat ako sa kakaisip sa kung anong nangyari sa amin ni Sir Dark kagabi. Noong nakauwi na ako at humiga ay saka na naman ako sinalakay ng kakaibang kaba na kung paano kung hindi kami nakaligtas sa mga kamay ng mga taong gustong pumatay sa amin. Pinagmasdan ko pa si Light habang payapa na natutulog sa kabilang kama. Walang kaalam-alam ang anak ko na nanganib ang buhay ko kaya hindi ako agad nakauwi at muntik na talagang hindi ako nakauwi. Pinag iisipan ko nga kung kailangan ko na ba talagang makipagkita sa pamilya ko kahit man lang sa mga kapatid ko para kung sakaling may masamang mangyari sa akin ay may kilala na ni Light ang kanyang mga tiyahin. Ngunit narito pa rin ang takot sa puso ko. Takot at pangamba na baka nakaabang na naman sa akin an

