"Nasaan na tayo, Sir?" usisa ko ng mahalatang hindi sa condo niya ang daan na tinatahak namin. Akala ko ay doon na kami tutuloy o kaya naman ay ihahatid niya na ako sa bahay bagay na hindi sana ako sang-ayon. Mas gusto ko na ibaba niya na lang ako sa gilid ng kalsada at bahala na akong umuwi mag-isa. Sa naranasan ko ngayong gabi kasama siya ay baka kahit wala na akong masakyan at mahirapan sa paglalakad ng kilo-kilometro ay mas pipiliin ko na lang kaysa malagay na na naman sa balag ng alanganin ang buhay ko kasama si Dark Lee. Bumukas ng kusa ang isang malaking gate at buong pagtataka ko ay doon pinasok ni Dark Lee ang kanyang lambo. "Dito na muna tayo hanggat hindi nakakabalik sina Agaton." Tugon naman ni Dark Lee at saka na kami tuluyang pumasok sa isang malawak na bakuran kung saan

