"Huwag na po, Sir Dark. Mabuti pa ay si Alexis na ang ihatid mo sa bahay nila dahil siya ang may kapansanan sa amin. Kayang-kaya na namin ni Joy na umuwi lalo pa at isa lang naman ang way ng daan pauwi sa amin," wika ni Erica kay Dark Lee na inaaya na kaming lahat na ihahatid na niya sa bahay. Himala sa himala at tumatanggi ang mga kaibigan kong parang mga bulateng inasinan kapag nakikita ang amo namin. Samantalang ngayon na nag-aalok ng libreng hatid sa bahay nila ay mga umaayaw pa. "Are you sure? Baka nahihiya lang kayong dalawa? Hindi ko maatim na iwan kayo sa ganitong klase ng lugar ng basta na lamang lalo pa at pareho kayong mga babae." Giit naman ni Dark Lee na may tinatago naman pa lang pagka gentleman. "Kinikilig naman ako, Sir. Pero mas mapapalayo pa ho kayo sa daan pauwi ng

