"Well, dahil wala ngayon si Agaton dahil may sakit ay ikaw na muna ang magdala ng pagkain ko sa office. Dalian mo ang pag-akyat sa itaas ay ayoko ng matagal akong pinaghihintay lalo pa at gutom ako," saad sa akin ng lalaking arogante. "Wait lang, Sir. Hindi ba at narito ka na rin naman? Kayo na ang magdala ng pagkain niyo sa office dahil sabi niyo ay gutom ka na rin," suhestiyon ko dahil totoo naman na narito na siya. Salubong ang mga makapal na kilay ng aking amo sa narinig sa akin. "Inuutusan mo ba ako, Miss Kabiling?" tanong ni Dark Lee. Gusto ko sanang sagutin na oo ngunit baka maging asal hayop at bigla na lang mag tranform sa isang mabangis na halimaw itong kaharap ko. Bigla na lang ako atakihin o lapain. Pwede rin na kaladakarin ako palabas ng building na to. Umiling ako bilan

