Tapos na ako sa paglalampaso ng buong second floor bago pa magsidatingan ang mga empleyado ng palapag na naka toka sa akin. Maging ang malaking silid kung saan sila sabay-sabay na nagtatrabaho ay nilinis ko na rin sa kabila ng wala naman talagang mga kalat o alikabok dahil nilinis na ng kapalitan ko sa trabaho kahapon. Pasalamat nga ako at hindi ko na kailangan pa na umakyat sa pinakamataas na floor para ihatid ang pagkain ni Dark Lee sa kanyang opisina dahil mismong ang tumatayong personal assistant niya sa lahat. Ang siyang kumukuha na ng pagkain dahil nga nakita niya naman kung paano ako maglakad. Malamang na naawa siya sa aking kalagayan kaya nag presinta ng siya na ang baba dito para sa almusal ng kanyang amo. Nagtataka nga ako dahil wala pa siya. Dapat kanina niya pa kinuha sa ak

