"Boss, narito na ang order mo," sabay lapag na ni Agaton sa center table sa nagsisilbing sala ng office ko. I don't know how to explain, pero may sentimental value sa akin ang longganisa. Dinadala ako ng amoy at lasa nito sa kung ano ako dati. Kaya naman salamat at may isa pala akong tauhan dito sa bagong kompanya ko na gumagawa ng homemade longganisa na kapareng-kapareho ng natatandaan ko noon. Ayon kay Agaton, isang janitress, single mother at member ng person with dissablities ang siyang personal na gumagawa ng produkto. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit masarap ang lasa ay dahil gawa pala ng isang nagsusumikap na ina. Huminto na muna ako sa pagbabasa ng mga kung anu-anong report at saka na nagtungo sa sala upang kumain ng paborito kong almusal. "Boss, magrereport lang ako sa

