"Erica, pwede bang ikaw na ang maghatid nitong mga pagkain kay Sir Dark? Mapapagod kasi ako ng husto kapag umakyat pa ako hanggang sa itaas." Pakiusap ko kay Erica. Sana lang ay pumayag itong kaibigan ko dahil wala pa talaga akong tapang para humarap kay Dark Lee. Iniisip ko nga na baka alam niya na narito ako sa kompanya at dinaan sa kunwaring pagbili ng mga paninda ko para makarap ako. Baka ng may balak siyang gawin sa longganisa ko para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya dati. Pwedeng sabihin niyang hindi masarap o kaya naman ay sabihin niyang na food poison siya sa pagkain nito. Kung anu-ano na talagang nagsisilambayan na mga pwedeng mangyari na iniisip ko. Mga eksena na nililikha ng malikot kong pag-iisip. Sino ba namang mayaman ang magkaka interes na kumain ng longganisa at kan

