NAGPAKAWALA ng marahas na hininga si Vladimir. “Get out of my head!” marahang usal niya. Hindi pa nakontento, sinamahan pa niya iyon ng isang mahinang pagmumura. Sino ba naman ang matutuwa gayong kahit ano ang gawin niya ay hindi mawala-wala sa isip niya si Bainisah. Tila ipininta ng isang magaling na pintor ang larawan ng dalaga sa kanyang isip. Ilang araw pa lang siya sa Mindanao pero pakiramdam niya ay taon na ang itinagal niya roon. Ang masama pa, bukod sa hindi ito maalis sa kanyang isip, pumupuno sa dibdib niya ang kagustuhang muling makita ito at marinig kahit ang boses nito. Natilihan siya nang mapagtanto niyang sinasakop na ng dalaga ang sistema niya. Posible bang may kinukuha na itong parte ng kanyang pagkatao? Ang puso niya? Ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon sa is

