“CAPTAIN Mondragon! Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na bulalas ng dalaga sa lalaking umokupa ng silya sa mesa niya. Biglang kumabog ang dibdib niya. She was prepared to meet Alexander not Vladimir! Sa halip na sumagot, kinuha nito ang telepono at nag-dial doon. Isang segundo lang at nagri-ring na ang telepono niya. Pinatay rin agad nito ang telepono, pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang isang mensahe. Iyon ang mensaheng ipinadala niya kay Alexander. “It was supposed to be for Alexander,” aniya, bahagya pa siyang natigilan nang maningkit ang mga mata nito. “Pero sa numero ko ikaw nag-text,” may pag-uuyam sa tinig na sabi nito. Tumaas ang isang kilay niya. “Don’t use that tone on me, Captain Almighty. Sa pagkakatanda ko, si Alexander mismo ang nag-save ng number na iyan sa cell phone ko

