bc

Quest Of The Fifth Element (Filipino)

book_age16+
601
FOLLOW
1.3K
READ
reincarnation/transmigration
family
powerful
queen
drama
bxg
magical world
superpower
rebirth/reborn
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Si Aira, Isang babae mula sa lahi ng mga mortal ang nakatakdang magbalik sa balanse ng daigdig. Napunta sa Peridious kingdom upang iligtas ang kapatid na si Faria.

Kakayanin ba ng isang ordinaryong babae ang lahat ng pagsubok na ibibigay ng tadhana sa kanya? Samahan si Aira sa kanyang paglalakbay. Tuklasin ang iba't ibang elementong nakapaloob sa mundo ng Peridious.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Peridious Kingdom, ang kahariang nasa gitnang bahagi ng daigdig. Ito ang pinaka makapangyarihang kaharian. Dito nakatalaga ang elemento ng aether o spirit. Terra Kingdom, ang kahariang nasa silangang bahagi ng daigdig. Dito nakatalaga ang elemento ng lupa at humahawak sa mythical creature na Puting Tigre. Oceana Kingdom, ang kahariang nasa hilagang bahagi ng daigdig. Dito nakatalaga ang elemento ng tubig at humahawak sa mythical creature na Pagong. Firaga Kingdom, ang kahariang nasa timog na bahagi ng daigdig. Dito nakatalaga ang elemento ng apoy at humahawak sa mythical creature na Phoenix. Haboob Kingdom, ang kahariang nasa kanlurang bahagi ng daigdig. Dito nakatalaga ang elemento ng hangin at humahawak sa mythical creature na dragon. Draco Kingdom, ang kahariang nasa timog silangang bahagi ng daigdig. Dito naninirahan ang mga lahi ng bampira. Ellipso Kingdom, ang kahariang nasa timog kanlurang bahagi ng daigdig. Dito naninirahan ang mga lahi ng lobo. Nymph Kingdom, ang kahariang nasa hilagang silangan bahagi ng daigdig. Dito naninirahan ang mga lahi ng mga duwende at diwata. Pavlopetri Kingdom, ang kahariang nasa hilagang kanlurang bahagi ng daigdig. Dito naninirahan ang mga lahi ng sirena. Underworld Kingdom, ang kahariang nasa ilalim ng daigdig. Dito tinatapon ang masasamang kaluluwa at paulit-ulit na pinarurusahan. Ito ang kaharian ni Queen Zera at ng tapat niyang alagad na si Hadium. Manila City, isang siyudad sa mundo ng mga mortal kung saan nagmula ang mga bida. Wilson University, ang unibersidad kung saan nag-aaral sina Aira Samaras at Faria Samaras. *** Hadium Matingkad na kulay ng pulang dugo ang bumabahid sa mga dahon na dinadaanan ko. Ramdam ko ang matinding panghihina ng aking katawan at tila malapit nang maubos ang aking lakas. Ang digmaang pandaigdigan ay nagwakas sa kamay ni Queen Regina. Ang reynang nagmamay-ari sa limang elemento ng mundo. Ngunit pinapangako ko na muli akong babangon upang ipaghiganti ang mahal kong si Zera. Ako lang ang maaaring magpatuloy ng mga pangarap niya. Ako lang ang nag-iisang lalaking alagad niya na tunay na nagmamahal sa kanya. Gumapang ang dugo mula sa sugat na galing sa aking ulo, patungo sa aking noo sa pagitan ng dalawang malalim kong mata. Hanggang sa umabot ito sa dulo ng matangos kong ilong. Hinang-hina ang aking katawan na tila ito na ang aking katapusan. Ngunit patuloy ko pa ring hinahakbang ang aking paa rito sa gitna ng kagubatan. Kailangan akong makabalik sa Underworld. Hindi ako maaaring mamatay. Kailangan kong basahin ang salamangkang itim na minana ko pa sa aking pamilya. Hindi ako papayag na sa ganito lang magwawakas ang lahat. Hindi ako papayag na hindi ko maipaghiganti ang nawasak kong puso. At ang pangarap ng mahal kong babae ay hindi ko matupad. Ngunit dala ng kahinaan ng aking katawan, malakas itong bumagsak sa sahig at tumama ang aking balikat sa lupa at damuhan. Pinilit kong iikot ang aking katawan at humiga panandalian upang makapagpahinga. Natatanaw ng aking mga mata ang bilog at dilaw na buwang sumisilip sa sanga ng mga puno mula sa kalangitan. Napakaganda nito. Ang sinag nito ang nagsisilbing liwanag sa buong kagubatan ng kaharian. Pinilit kong itaas ang aking braso at iabot ang aking kamay sa bilog na buwan. Sinubukan ko itong abutin na akala mo'y makukuha ko ito. Ngunit imposible, imposible tulad ng digmaang sinimulan namin. Imposible pero sinubukan namin. At sa huli, sa kamay kong ito huling humimlay ang babaeng mahal ko. Nagsimulang bumigat ang aking balikat habang bumabalik sa aking isip ang mapait na alaala ng huli niyang hininga. Naaalala ko ang mga pangyayari, nang magsimula ang digmaan. Naroon kami ng aking reyna na si Zera. Nakikipaglaban sa mga kawal ni Queen Regina. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ginising ni Queen Regina ang mga mythical creature na humahaligi sa aming mundo. Ang pagong, tigre, phoenix, at ang dragon. Kahit alam naming imposible, sinubukan pa rin naming lumaban. Pinilit naming ipaglaban ang alam naming tama, na ang mga mortal ay walang puwang sa mundong ginagalawan namin. Ang mga mahihinang tao ay hindi dapat binibigyan ng kalayaan. At dapat silang maging sunod-sunuran lamang sa aming malalakas na nilalang. Ngunit ang aming paniniwala ay taliwas sa paniniwala ni Reyna Regina. At dahil dito isang giyera ang nabuo. Matapang na hinarap ni Zera si Queen Regina sa itaas ng tore ng kastilo. Ako naman ay nakipaglaban sa mga kawal sa ibabang bahagi. Hanggang sa nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang malakas na pagtilapon ng katawan ng mahal kong si Zera sa himpapawid at malakas na humandusay sa sahig. Naliligo sa sarili niyang dugo ang kanyang katawan at hinahabol ang huling hininga. Noong oras na iyon, nang makita ko ang nag-aagaw buhay niyang mukha. Hindi ko mapigilang manghina at balutin ng hinagpis ang aking puso. Agad ko siyang pinuntahan, sinapo ang kanyang ulo at hinayaang magpahinga sa aking binti. Nagsimula kong maramdaman ang sumisikip kong dibdib, saka nagsimulang manlabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha mula rito. "H'wag kang umiyak, Hadi." Ito ang mga katagang binigkas niya habang dahan-dahang inaangat ang nanghihina niyang kamay. "Tumakas ka na. Iligtas mo ang buhay mo." Sa paglapat ng kanyang mainit na palad sa aking pisngi, nagsimulang pumatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi! Hindi kita iiwan dito, Zera. Kung mamamatay ka, mabuti pang mamatay na rin ako." Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi, saka ito hinagkan. "Mahal kita, Zera. Tutuparin pa natin ang pangarap natin." Matipid siyang ngumiti. Ang maganda niyang ngiti na nakapagpapatunaw sa aking matigas na puso. "Tuparin mo ang pangako mo sa akin, Hadi. At sa muli kong pagbabalik, tayo ang magwawagi." "Ipangako mo, babalik ka! Muli kang mabubuhay, Zera!" "P-Pangako. Mabubuhay ako, Hadi," hirap niyang tugon sa akin. At sa huling kataga niyang iyon. Dumulas mula sa aking kamay ang kanyang palad na nakahawak sa aking pisngi. Sabay sa pagbuhos ng ulan ang pagdaloy ng nag-uunahan kong luha. Sabay sa pagkawala ng kanyang buhay ang pagtigil ng t***k ng aking puso. At alam kong sa mga oras na ito. Wala na siya, wala na ang reyna ng kahariang pinangarap naming dalawa. Mabilis na nagtakbuhan ang mga kawal ng reyna Regina patungo sa aking direksyon. Nang marinig ko ang yabag ng kanilang mga paa, marahan kong ibinaba sa sahig ang malamig na bangkay ng aking reyna, saka ko siya hinalikan sa noo. "Antayin mo ako, Zera. Susundan kita saan ka man magpunta." Sinimulan kong tumakbo palayo sa lugar kung nasaan siya. Ngunit hindi pa man ako nakalalayo, sunod-sunod ang palaso na tumama sa aking katawan, dahilan upang maligo ako sa aking sariling dugo. Napaluhod ako sa sahig dahil sa sakit na naramdaman. Ngunit alam kong hindi ako maaaring tumigil dito at hindi ako maaaring mahuli ng mga kawal na ito. Gamit ang isang salamangkang itim na nalalaman ko, itinaas ko ang aking kamay, tinuon ko ang aking pag-iisip sa aking palad at nagpakawala ng enerhiya mula sa aking katawan. Lumiwanag ang aking palad, ilang sandali pa, isang bolang itim ang lumabas mula rito. Ang bolang itim na nagsisilbing portal patungo sa lugar na nais kong puntahan. Unti-unting lumaki ang bolang itim at nang mas malaki na ito sa akin, pumasok ako sa loob saka ko sinara ang lagusan na naghahati sa kastilyo ni Queen Regina at kagubatan ng underworld kingdom. Nakita ko pa ang mga kawal ng reyna na humabol sa akin, ngunit hindi nila ako naabutan. At ngayon nandito ako sa isang kagubatan na walang liwanag. "Ah!" Bumalik sa reyalidad ang aking isip nang muling kumirot ang sugat sa aking tagiliran. Pinilit kong tumayo upang simulan muling maglakad at hindi nagtagal, nakarating na ako sa kastilo ng underworld. Napalilibutan ito ng nagbabagang apoy at mga kaluluwa ng mga taong may madilim na ugali. Tila isang preso ang hitsura ng kaharian na ito. Ang mga kaluluwa ay nakakadena habang sila ay nagmamakaawa, sumisigaw sila dahil sa sakit na dulot ng apoy na lumalamon sa kanilang katawan. Sa pagkamatay ng kanilang kaluluwa, muli itong mabubuhay at paulit-ulit lang silang susunugin ng apoy ng impyerno. At ang sakit na mararamdaman nila ay wala nang katapusan. Pumasok ako sa malaking pintuan ng kastilo, saka ako dumiretso sa aking silid at kinuha ang libro ng salamangkang itim. Ano mang oras ay makararating na rito ang kawal ng reyna, kailangan kong gumawa ng paraan upang mai-preserve ang aking alaala, upang sa muli kong pagkabuhay, maalala ko pa rin ang nakaraan. Na ilang daang taon man ang lumipas, maalala ko pa rin ang aming sumpaan. Hawak ang libro ng itim na salamangka, umupo ako sa gilid ng kama at sinandal ang nanghihina kong katawan. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas, natagpuan ko na ang hinahanap ko. "Kaluluwa na nakapaloob sa katawang ito, dinggin ang hiling ko. Alaalang taglay, huwag hayaang magbago. Sa paglipas ng panahon. Ang kaluluwang ito ay mabubuhay sa ibang anyo, ngunit ang alaala ay mananatiling nakatarak sa sugatang puso." Matapos kong basahin ang mga katagang nasa loob ng libro, kinuha ko ang maliit na balisong sa loob ng aking bulsa. Tinapat ko ito sa aking palad saka hiniwa ang balat ko. Napapikit ako dahil sa sakit. Ramdam ko ang malalim na sugat at kirot. Nagsimulang umagos ang dugo mula sa aking palad, saka ito tumulo sa sahig. Sa pagpatak ng mapulang dugo na ito, isang malakas na liwanag ang pumalibot sa aking katawan. Wala akong ibang nakikita kundi ang puting paligid, hanggang sa maramdaman ko na tila ang aking mga alaala ay bumabalik at nakikita ko siya na nakapalibot sa akin. Parang isang palabas sa isang theatro ang tinitingnan ko. At mayamaya pa, sa paglipas ng mga sandali, unti-unting bumigat ang aking katawan, ang natitirang lakas sa aking katawan ay unti-unting nanghina, hanggang sa numipis ang hangin na aking nahihinga. Ang talukap ng aking mata ay nagsimulang bumigat at sa mga oras na ito, alam ko nang ito na ang wakas. Mukhang hindi ko na talaga kaya, mukhang hanggang dito na lang talaga ang aking buhay. "Nandito siya, nandito si Hadium!" rinig kong sigaw ng mga kawal na nakapasok sa kastilo. Ngunit wala na akong lakas na lumaban, nanatili lang akong nakasandal sa kama. Dahan-dahan kong pinikit ang talukap ng aking mata, saka ko hiniga ang aking ulo at damhin ang pagwawakas ng aking buhay. Hindi pa ito ang wakas ng kwentong ito, dahil ito pa lang ang simula.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.7K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook