Kabanata 3

997 Words
CARGELRIA Bumuntung-hininga si Blake habang binabasa ang signboard sa binabaang bus na panandaliang tumigil sa lugar na iyon. Kung bakit kasi nasa pinakasulok na yata ng daigdig itong probinsiya ng lola niya, e di sana, nadala niya ang sasakyan at nakapag-roadtrip pa siya. Pero wala na siyang magagawa. Besides, it's been what, fourteen or sixteen years simula ng huli siyang pumunta dito. Guess it's about time to come back. Nakita niya ang paradahan ng tricycle dahil sa ingay ng mga naghahalakhakang lalaki. Maaga pa para mag-inuman pero nakatambay na ito sa harap ng tindahan. Napailing siya ng marinig ang usapan ng mga ito. "Magkalimutan na tayo kapag pinatos mo ang kapatid ko. Bro code, 'tol... tandaan mo. Bro code!" Naalala niya sila Nathan... and Sheila. Hindi niya tuloy maisipang isipin, what if hindi siya nag-alangan na ligawan ang kapatid ng bestfriend niya? What if he didn't mind the bro code?Napapalatak siya. Whoever invented the "bro code" is a f*****g moron. Hindi ba nito naisip na the more na nakakabonding ay the more na nadedevelop ka? Hindi ba nito alam na mas lalo ngang nakakapukaw ng interes iyong pinagbabawal? Nilapitan siya ng isang lalaki at tinanong kung saan siya pupunta. Bumuka ang bibig niya but somehow forgot the right address. Ano nga ba ulit ang pangalan ng lugar? He fished for his phone sa bulsa habang sinasabayan siya ng lalaki papunta sa mga nakapilang tricycle. Pahagis niyang pinasok ang mga bag doon. "Saan tayo boss?" tanong ng driver na ikinalingon niya mula sa paghahanap ng address ng lola niya. Mukhang nagulat pa ito ng magkasalubong ang tingin nila. "Ikaw?" "Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong nito  na nag-iwas ng tingin habang inaayos ang suot na cap. "I mean ikaw ang driver? Sigurado kang kaya mong magdrive? Makakarating kaya ako ng buo sa pupuntahan ko without meeting an accident?" "Aba aba..." nag-angat ito ng tingin. Nililis pa nito pataas ang sleeve ng suot nitong oversize na t-shirt. Mas lalo tuloy niyang nakita kung gaano kaliit ang mga braso nito. "Minamaliit mo ba ako niyan?" "Tsk..." aniya at lumabas ng tricycle. "Uy...boss ano pong problema? tanong sa kanya ng lalaki kanina, ito siguro ang barker doon. "Ayoko sa kanya. Lilipat ako sa kasunod na tricycle," aniya. Ignoring the death glare na binibigay ng namumulang driver. Napakamot ang lalaki at nilapitan iyong nilayasan niyang driver. "Joe, kalma lang..." Kuyom ang isang kamay nito habang iyong isa ay ginamit sa pagsapak sa barker. "Gago ka ba? Sino sa tingin mo ang hindi magagalit sa antipatikong iyan?" He scoffed. Tarantang lumapit sa kanya ang lalaki. "Boss, pila-pila po kasi ito at si Joe na ngayon. Sinisiguro ko po sa inyo, okay po iyang si Joe." Sinulyapan niya ulit ang driver na tila may sinasabi habang patuloy sa pagbigay sa kanya ng galit na tingin. "Tsk. I don't care." "K-kayo boss. Pero hindi po kayo makakaalis hangga't walang kasunod na pasahero." "Ano?" inis niyang bulalas. Mukhang matumal pa naman ang tao sa oras na iyon. At nag-uumpisa na siyang pagpawisan dahil sa init. s**t! He mentally cursed ng biglang mag-ring ang cellphone niya. "Lola..." "Asan ka na? Bilisan mo at lalamig ang sinampalokang niluto ko. Hindi ba't paborito mo ito, apo?" Napahawak siya sa tiyan at noon lang niya napansing nagugutom na din siya. Double s**t! "O-ok po. Parating na, lola Sally," aniyang pikit mata na pinutol ang tawag. Pero magtatatlumpong minuto na, wala pa ding pasahero. Nakakailang mura na siya sa isipan niya. He even took off his polo para kahit papaano ay mapreskuhan siya. Nagsalubong ang kilay niya ng mahuling nakatingin sa kanya ang tinawag na Joe. Agad itong nag-iwas ng tingin. Pagkaraan ay umandar ang tricycle nito at tumapat sa kanya. "Kina Lola Sally Caguiwa ka ba?" tanong nito ng tumapat sa kanya. Alanganin siyang tumango habang patuloy sa pagpaypay gamit ang hinubad na polo. "Doon din ang punta ko. Libre na ito, ayaw mo pa ding sumakay?" taas kilay na tanong nito. Ngumuso siya at hindi na nagdalawang isip pa. Binuhat niya uli ang mga bag saka pinasok sa sasakyan nito. Narinig pa niya itong bubulung-bulong. "Anong sabi mo?" "Wala po boss, sabi ko huwag kayong mag-alala. Safe kayo sa'kin. Ihahatid ko kayo kay lola Sally ng buo. Wala man akong pakialam sa'yo, kay Lola Sally, meron." Mukhang kilala nito ang lola niya and as much as he wanted to argue with her dahil sa huling sinabi nito, wala siya sa mood. He sighed ng umandar ang tricycle. Smooth naman ang pagdrive nito sa umpisa pero maya-maya lang ay nagkandabangga-bangga na siya sa maliit nitong tricycle. Rough road ang kalsada pero hindi naman yata tamang sa mga bakong daan lalo ito dumaan. "Hoy... ayusin mo nga ang pagdrive!" "Boss, nagmamadali ako. Pasensya na...sasabog na kasi." Napahawak siya ng mahigpit sa handle na nakita niya, cursing the driver sa utak niya, who he can tell is smirking. Pagkaraan ay munik pa siyang mapasubsob sa salamin dahil sa bigla nitong pagpreno. Napahimas niya ng batok. "Peace?" anito sabay v-sign at talikod palayo sa kanya. "Apo!" sigaw na ikinalingon niya kaya hindi na niya nagawang habulin ang pumipito pang driver. "Lola!" sigaw din niya at sinalubong ito ng yakap. Medyo matagal pa bago siya nito binitawan. "Halika, sa loob apo at mainit dito. Tingnan mo at pinagpawisan ka ng gamunggo. Kawawa ka naman," pinunasan pa nito ang basa niyang noo. "Sige po," aniya at binitbit ang mga bag. The rascal, pinarada lang sa harap ng bahay ng lola niya ang tricycle nito. Nilingon niya ang pinasukan nito and saw the driver na may hawak na pinggan, nagkakamay na kumakain at nakatingin sa kanya.Nakangisi pa nitong itinaas ang pinggan na tila inaalok siya. So ano pala iyong sasabog na sinasabi nito kanina? Iyong bituka nito dahil walang laman? He sigh and calm himself. He's here to enjoy a vacation, not to get pissed because of some rascal. He's here dahil naniniwala siyang kailangan niyang magbago ng lugar, lumayo sa Maynila. He believe that in time, makakalimot din siya. In time, magiging ready din siya to face Sheila. In time, may makikilala din siya to replace her in his heart. And being in Cargelria, who knows kung ano pa ang naghihintay sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD