Malagkit akong tinitigan ni Sandra at nakakagat pa ito sa pang-ibabang labi niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napayuko. Naramdaman kong hinahaplos ni Sandra ang uluhan ko. “Aminin mo, na-miss mo ‘ko,” patutsada niya. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Iniwan ko sina Diego at Carlo sa bar. Hindi ako lasing at alam kong nasa katinuan pa ako kagabi. Ngunit bakit wala akong maalala. Napailing-iling ako at hinawi ko ang kamay ni Sandra. Tiningnan ko siya nang matalim habang nagpipigil sa galit. Magkasalubong ang mga kilay ko dahil sa labis na pagkairita sa babaeng nasa harapan ko ngayon. “Ano ba?!” bulalas ni Sandra. Sa halip na sumagot ay napahilamos ako ng aking mukha. Lumayo ako kay Sandra na pilit kong inaalala ang nangyari. Hindi ko kailangang mag-alala dahil

