"Ibig sabihin ay pumayag kang makipag-date kay Ricardo?" Sab asked. "May plano ka bang makipagbalikan kay Richie Ric?" tanong naman ni Letti hindi ko pa man nagagawang sagutin ang tanong ni Sab. Na-i-stress na muli kong isinara ang pinto ng kotse at nilingon ang dalawang kaibigan na may pagka-Marites pa yata. "He invited me and wala naman akong nakikitang masama kung pumayag ako. Pareho naman kaming single and—" "And pareho pa kayong hindi nakaka-move on sa isa't-isa. Halata namang mahal n'yo pa ang isa't-isa," putol ni Letti sa sasabihin ko. Kinalabit ni Sab si Letti. "Ibig sabihin ay si Ricardong pogi ang makaka-break sa rules ni Gab. Siya ang unang ex na babalikan ni Gabriella!" Nangislap ang mga mata ni Letti. "Oo nga! One great love na ba this?" Gusto ko na lang takpan ang mga

