Chapter 86- Her Answer

1840 Words

"Gabriella? Gising ka na ba?" Napatingin ako sa pinto nang marinig ang ilang beses na pagkatok doon. Katatapos ko lang maligo at iidlip na sana ako kung hindi ko lang narinig ang boses ni Tita Malou. Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. "Tita, may nangyari ba?" Umiling s'ya at itinuro ang ibaba. "Kanina pa ako kumakatok at tumatawag pero hindi ka sumasagot. Muntik ko nang sirain ang pinto." Bahagya akong natawa. "Naligo po kasi ako. Iidlip muna ako." Tumikwas ang kilay ni Tita. "Alas-cinco pa lang ng hapon, alanganin na iyang pag-idlip mo." Nangunot ang noo ko nang makitang bihis na bihis ang tiyahin. "May lakad po ba kayo? Bakit parang may date yata kayo?" Humagikhik si Tita Malou. Agad na namula ang mga pisngi n'ya. "May date kami ni Hailey. Masyado raw kasi akong na-stress nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD