Umirap na lang ako at nag-iwas ng tingin. Sinubukan kong dumistansya sa kanya pero kaagad n'yang nahawakan ang kamay ko at hinila ako palapit. Dahil hindi naman ganoon kalawak ang lugar at may mga nagsasayawan din dito sa ikalawang palapag ay mabilis akong bumangga sa katawan n'ya. "Wala ka bang sasabihin?" he asked. Halos mapasinghap ako nang dumausdos ang kamay n'ya sa tagiliran ko at humawak sa baywang ko. Pasimple akong huminga nang malalim. "A-Ano bang dapat kong sabihin?" Hinawi n'ya ang buhok ko at bumulong. "I hate your clothes..." Hindi ko alam kung iyon lang ang sinabi n'ya dahil halos magwala na ang buo kong sistema dahil sa pagdampi ng mainit na hininga n'ya sa leeg ko. Buwisit 'tong si Ricardo! Inaakit yata ako! Tumikhim ako at kinalas ang kamay n'yang nasa baywang ko.

