Markiel Antonio Ronquillo's Point of View: "What are you doing here?" Hindi na ako nakadiretso sa table ng mga kaibigan ko nang makita ang pamangkin ng coach ko. Sofia looked at me blankly. "Ano bang ginagawa sa bar?" Napailing ako. Sigurado akong tumakas na naman s'ya and kapag nalaman ito ng parents n'ya ay siguradong malalagot s'ya. "Oh, please, Markiel..." She glared at me. "Huwag mong sasabihin kay Tito na nakita mo ako rito." "Tumakas ka, ano?" I asked. Sofia rolled her eyes. "Don't ask the obvious, Mr. Ronquillo. Hindi mo ako makikita rito kung hindi ako tumakas dahil hindi naman ako papayagan." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na n'ya ako. Napailing na lang ako sa inasal ng babae. Hindi ko na nga lang s'ya hinabol dahil mabilis s'yang nakasingit sa mga taong akyat-baba rito s

