Chapter 5

1804 Words
Chapter 5 Family "Ma-magandang hapon po." Kinakabahang bati ko. Nakataas pa rin ang kilay ng mommy niya at tila sinusuri ako. Hindi na ba niya ako mamukhaan? "Mom. Tinatakot mo siya." Sabay lapit ni Clark sa akin. "Who is she?" Ang tatlong salita niya ay may diin at hindi parin bumababa ang pagtaas ng kilay niya. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya. "She is my classmate." Walang pag-alilangan na sagot ni Clark. "Don't you remember her? She's Angelie and Adam cousin, the twins." Pagpapaalala niya sa kanyang ina. Kaunti kong itinaas ang tingin ko para makita ang reaksyon niya. Thank God, umaliwalas ito at napalitan ng ngiti. "Oh. I remember you. You've grown a lot. How are you?" Nakangiting bati na nito sa akin. Naiilang na ngiti ang aking isinukli. "A-ayos lang po." Sagot ko sa kanya. Tumango siya at nandoon pa rin ang malawak na ngiti niya. "Kumusta na ang kakambal mo? Kasama mo ba? Balita ko noon lumipat na kayo sa ibang bansa?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ayos lang naman po siya, hindi po eh. Doon na po siya magtatapos ng pag-aaral. Opo, para makasama namin po si lolo." I honestly answered, nakita ko ang pagtango niya. "Ohh. Sorry pala kanina kung natarayan kita akala ko kasi ikaw 'tong nagpabago sa anak ko." Gulat akong napatingin sa mommy niya. "Ayaw ko na ulit siyang nakitang umiiyak dahil lang sa isang babae and she changed my son a lot." Napatingin ako kay Clark na ngayon nawalan ng emosyon ang mukha. "Ma." Pigil sa kanya ni Clark. Malungkot na ngumiti sa akin ang mommy niya. "Ikaw palang ang unang babaeng dinala niya rito. Hindi nga namin kilala kung sino ang babaeng nagpa-iyak sa anak namin eh." Kuwento parin niya kahit na sinuway na siya ni Clark. "By the way, just call me tita Cathy." Tsaka niya ako binigyan ng matamis na ngiti. "We will do our requirement." Malamig na wika ni Clark at naunang umupo sa living room. I slightly bow my head at sumunod na kay Clark. Mukhang nawalan siya ng mood sa sinabi ni Tita. "Paghahanda ko lang kayo ng meryenda, rito ka narin maghapunan. Ah? Ano nga kasi ang pangalan mo?" Tatanggi sana ako pero mas minabuti ko nalang na sagutin ang tanong niya. "Grace Lae po." Magalang na sagot ko. Napatango si tita at binigyan ulit ako ng matamis na ngiti tiyaka na tumalikod para pumunta sa kusina. Napatingin ako ngayon sa katabi ko na walang emosyon. Bumaba siya sa sahig para doon umupo at inilagay ang kanyang bag sa ibabaw ng lamesa sa sala. Umupo narin ako sa lapag para kaagad naming matapos ang requirement namin. "Ah. Clark. Ano bang gagawin?" Nag-aalinlangan na tanong ko, mukhang nawala siya sa mood sa kinuwento ni tita kanina. Pero sino nga kaya ang babaeng tinutukoy ni tita? Hindi man lang niya pinakilala sa pamilya niya pero minahal at iniyakan niya. Nasaan na kaya ngayon ang babaeng 'yon? Bakit sila naghiwalay? "Kung ano ang magiging product natin." He simply said. Napatango ako kahit na malalim din ang iniisip ko. "Or service. It's entrepreneur." Napatango ako, okay gets ko na. "What about product? Mas madali 'yon keysa sa service." I suggested. Wala akong makitang emosyon sa mata niya at seryoso lang siyang nakatingin sa bolpen na pinaglalaruan niya. Nakita ko ang pagtango niya sa sinabi ko, napabuntong hininga nalang ako. Mukhang ako na ang gagawa sa requirement namin. Sinulat ko ang nga detalye ng aming produkto. Baka next month at gagawan namin ito ng actual na product. "Roses perfume?" Natapos ko na ang requirement namin sa loob ng isa't kalahating oras. Binabasa niya ito ngayon tiyaka binasa ang pangalan ng naisip naming produkto. "Yep. Roses perfume." Nakangiting sagot ko. "It will have a good scent and don't have a strong fragrance." Mukhang ngayon na ang araw ng defense sa pagpapaliwanag ko sa kanya. "Exclusively for girls?" Nakangiwing tanong pa niya. Nawala ang ngiti sa labi ko dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang naisip ko. Kinuha ko ang hawak niyang bond paper kung saan nakasulat doon ang details at ang produkto namin. "Ah. Ba-baguhin ko nalang." Walang ganang sabi ko. Base sa reaksiyon na pinapakita niya, ayaw niya ito. I need also his opinion. "No. What I'm about to ask, how 'bout men?" He asked. He has a point but I know how to answer that. "Karamihan kasi sa mga babae gusto ang amoy ng rosas, bihira lang sa mga lalaki ang may gusto sa amoy nito. Kaya naman exclusively for girls lang ito, but we can try to make a roses scent for boys." Diretsong sagot ko sa kanya. Tumango-tango lang siya sa sinabi ko. "Good." Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Ewan ko pero his praised mean too much to me. Napabuntong hininga ako kasabay ng malawak na ngiti ang nagawa ko. "Tapos na ba kayo? Handa na ang hapunan." Tawag sa amin ni tita Cathy. Tumayo na kami ni Clark at kinuha ni tita Cathy ang mga cookies na binigay niya kanina habang ginagawa ko ang requirement namin. Napatingin ako sa hagdan kung saan pababa ngayon si Clarisse habang hawak ang kanyang cellphone, mukhang nagsusurf sa internet. Ayaw ko man pero sumunod ako sa kusina sa kanila. Pinaghila ako ng upuan ni Clark, pero bago pa ako umupo may pumasok na isang lalaki. "Daddy!" Masayang bati sa kaniya ni Clarisse at hinalikan ito sa pisngi. "Dad." Bati ni Clark at nakipag high five sa daddy niya. Nahihiyang nagmano ako sa kanya. Alam ko na kilala niya ako, lagi kaming magkasama ng mga pamangkin niya noon at napapabisita siya lagi kina tito Aiden. "Oh. Grace? Joyce? Hm?" Hulang bati niya sa akin habang seryoso akong pinagmamasdan. I chuckled. "Grace po." Sabay turo ko sa nunal na nasa gitna ng dalawang mata ko na nasa itaas ng ilong ko. Tito Kenneth is the opposite of tito Aiden. Palabiro ito, while tito Aiden is a little bit of Kuya Adam coldness attitude. "Oh. Buti nandito ka? Nililigawan kaba ng anak ko?" Namilog ang mata ko sa tanong ni tito. Narinig ko ang pagtawag ni tita Cathy sa gilid niya. "Ah? Ha? Hi-hindi po." Kinakabahan na sagot ko, bakit ba kasi rito pa kami gumawa ng requirement? "Sus! Ang torpe kasi ni Kuya." Singit ni Clarisse at narinig ko ang paghila niya sa upuan tsaka umupo. "Kain na muna tayo." Yaya sa amin ni tita Cathy. Sa tabi ni Clark ako naupo, katapat ko si Clarisse. Sa dulo si Tito Kenneth at katapat ni Clark si Tita Cathy. "Going back to the question, hindi ka ba nililigawan ni Clark?" Tanong ni tito habang kumakain kami. Napatingin ako kay Clark na may Suarez na tingin, masungit at malamig. "Tss." Sagot niya. "We're eating dad." Suway nito sa daddy niya. "I know." Nakangising sagot ni tito Kenneth. "I'm just asking you know. Maybe Grace is my future in-law?" Muntik kong mabuga ang kanin na nginunguya ko dahil sa sinabi ni tito Kenneth. Natawa si tita Cathy sa sinabi ng asawa. "I'm okay with her." Dagdag pa ni tita Cathy. "But Kuya is torpe." Singit parin ni Clarisse. "She's just my classmate." Malamig na sagot ni Clark. Napayuko ako habang kumakain parang nawalan ako ng gana sa pagkain dahil sa sagot niya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sagot niya. Kaklase niya lang ako. Kaklase lang. "Diyan naman nagsisimula ang iba." Natatawa parin na sagot ni tito Kenneth. "Maybe kuya is the denied prince. And dad is the king. Like father, like son." Singit ni Clarisse. Kahit na hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. "We're eating." Suway ni Clark sa pamilya niya. "Grace. Grace. Grace. Huwag mo nalang sukuan ang masungit kong anak." Habilin sa akin ng daddy niya. Namimilog na mata akong tumingin sa kanya. "You're welcome here." Napatingin ako na nakakunot akong tumingin sa nagsalitang si Clarisse. "Welcome to the Family!" Nakangiting sabi ni tita Cathy. "Hey. Y'all making her uncomfortable." Pagsusuway ulit ni Clark sa kanila. "Uy si Kuya! Hindi napipikon!" Asar pa ni Clarisse sa kaniya. "Dati walk out king." Dagdag pa nito. "Eh paano ba naman magwawalk-out kung katabi mo ang taong mahal mo? Yiee!" Sabay tawa ni tito Kenneth. Tito Kenneth is so cheesy. "Ah? Magkaklase lang po kami." I honestly said. Sa wakas, nakapagsalita rin ako. Umiling-iling sa akin si tita Cathy habang nakangiti. "Sa ngayon." Sagot ni tito Kenneth. Nakita ko ang pag iling-iling ng katabi ko. "Just eat don't mind them." Sabi nito sa akin at pinagpatuloy ang pagkain namin. Nag-aaran parin sila at halos kay Clark ang lahat ng asar. Pasimple akong napangiti, their family is one of a kind! Na-miss ko tuloy sina mommy. Natapos ang hapunan na may ngiti ang lahat sa labi pwera lang ata kay Clark na masungit. Pumunta kami sa sala para magpahinga bago ako ihatid ni Clark. "Hindi ka naman ba na out of place sa amin, Grace?" Nagulat ako sa biglaang pagtanong ni Tito Kenneth sa akin pero agaran akong umiling. "Hindi naman po." Nakangiti at magalang na sagot ko. Napatango siya sa sagot ko. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. May tumatawag, kaagad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's ate Angelie. "Hello?" "Hello Grace? Nasaan ka? Bakit wala ka pa sa bahay? Hindi ka ba hinatid ni kuya Clark? Nako. Saan ba nagpunta 'yon? Ayos ka lang ba?" Natawa ako sa sunod-sunod na tanong ni ate Angelie. "Nandito ako kina Clark, ate." Sagor ko sa unang tanong niya susundan ko pa sana ng sinundan na niya kaagad ng tanong. "Ano? Anong ginagawa mo riyan? Anong ginawa ni Kuya sayo? Ayos ka lang ba niyan? Nandiyan ba sina tita Cathy? Tito Kenneth? Clarisse?" Natatawa talaga ako kay ate Angelie, nagbabago nga lahat ng tao. "Ginawa lang namin yung requirements na papasa bukas ate, don't worry. Kalma lang." Sagot ko. "Kakatapos lang namin mag dinner at uuwi na rin ako." Sigurado ko sa kanya, narinig ko ang pagbuntong hininga niya tiyaka na nagpaalam. "Mukhang hinahanap kana ni Angelie ah." Sabi sa akin ni tito Kenneth. Ngumiti ako at bahagyang tumango. "Opo. She's worried." Sagot ko. Tumango-tango si tito at tiningnan si Clark. "Clark, hatid mo na si Grace." Utos niya kay Clark. Tamad naman na tumayo si Clark at lumabas ng bahay. I slightly bow my head, nagpasalamat at nagpaalam sa kanila. Nginitian nila ako at "No worries, you're always welcome here." Sagot ni tita Cathy. Again, I bow my head at nagpaalam na. Sinundan ko na si Clark sa labas tiyaka pumasok sa kotse niya. "Your family is one of a kind." I said during our ride. Hindi siya sumagot. But I enjoy his family's company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD