Chapter 4
First
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o dapat ba akong mainis! Magiging masaya ako dahil ngayon ang unang araw kong pumasok o mainis dahil mukha akong panda.
I did a braid hair style on my hair, kahit ako lang mag-isa kaya ko, nakasanayan ko narin dahil minsan busy si ate Ann. Isang puting top muna ang suot ko ngayon at denim pants. Ngayon ang simula ng pagpasok ko.
Tumingin ako sa orasan at isa't kalahating oras bago magsimula ang unang pasok ko ngayong araw. I finalised my look and went downstair.
Dumeretso kaagad ako sa kusina habang nilalapag ni ate Angelie ang mga sabaw para sa dalawang may hang over.
"First day mo ngayon?" Baling sa akin ni kuya Adam, dahilan ng pagbaling nina ate sa akin.
"Ah oo kuya." Sagot ko tiyaka umupo sa isang upuan na katapat si Clark.
"Nako. Oo nga pala at ngayon ang unang pasok mo, nakalimutan ko sana pala hindi na ako nagpatulong sayo kagabi. Napuyat ka tuloy." Nakokonsensiyang wika ni ate Angelie. Napatingin ako kay Clark na tahimik hinihigop ang sabaw niya pero kaagad rin akong tumingin kay ate Angelie na naglalagay ng mga ilang pang putahe sa mesa.
"Ayos lang 'yon, Ate. Wala rin akong ginawa last week pwera yung mga special activities." I honestly said. Nakapamasyal rin ako kagabi kahit papano.
"Sumabay ka na kay kuya Clark, ano bang oras ang pasok mo?" Tanong ni ate Angelie sa akin.
"9 o'clock." I said.
"Me too." Malamig na wika ni Clark.. Tumingin si ate Angelie kay Clark nang nagtataka.
"9 o'clock karin ngayon, kuya?" Tanong nito kay Clark. "Anong meron at mukhang nabago ang shedule mo? Nung dito ka natutulog puro tanghali ang pasok mo ah?" Parang chismosang tanong sa kaniya ni ate. Napailing lang si Clark sa sinabi sa kaniya ni ate.
"Hindi ba pwedeng nagbago ang schedule ko? Tanong mo sa Dean." Masungit na wika ni Clark dito. Pinagtaasan siya ng kilay ni ate.
"Aba. Sa pagkakaalam ko hindi pa tapos ang isang semester kaya wala pang palitan ng shedule na magaganap." Puno ng saRkastimong wika ni ate, pero napailing lang sa kanya si Clark.
I'm still wondering kung sino nga ba ang tinutukoy na babae kagabi na nagpabago kay Clark? Or I better shut my mouth? Nagmumukha akong chismosa eh.
Natapos kaming kumain at uminom ng gamot para sa sakit ng ulo ang dalawa. I checked my shoulder bag kung kumpleto ba ang mga papel na kailangan kong ipasa mamaya.
Naka formal attire na si ate Angelie, papasok siya sa trabaho kasama si kuya Adam. Pinagpag lang ni Clark ang kanyang itim na t-shirt tiyaka tumayo.
"Tapos kana?" Medyo nahihiyang tanong ko, wala kasi akong sariling sasakyan dito kaya no choice ako.
Tumango siya bilang sagot sa aking tanong at deretsong naglakad palabas ng bahay. Napabuntong hininga ako sa ginawa niya. Siguro, hindi na niya maalala kung ano man ang mga sinabi niya kagabi sa akin.
Pinagkibit-balikat ko nalang ang mga iniisip ko at sumunod sa kaniya. Nakatayo lang siyang nakasandal sa kulay puti niyang kotse at nang makita ako ay in-alarm niya na ito tiyaka pumasok.
Sa front seat na ako pumasok ngayon dahil baka magalit nanaman ang masungit na lalaking ito.
Inayos ko ang seatbelt ko tiyaka humingang malalim. Wala akong ka close kahit isa kaya malaking adjustment ang kailangan kong gawin.
"Kinakabahan ka?" Napatingin ako kay Clark kung ako nga ba talaga ang kinakausap niya. Ako naman siguro dahil walang cellphone ang nakalagay sa tenga niya at kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng kotse.
"Ah. O-oo. Konti. Syempre wala pa akong ka-close." Nag-alangang wika ko. Nakita ko ang pagtango niya habang mahigpit na nakahawak sa manibela.
"Huwag kang kabahan, pumasok ka para mag-aral." He seriously said. Well he have a point but,
"Eh kasi wala pa akong ka-close, oo nandoon na tayo sa pumasok para mag-aral pero iba rin kasi kapag may kasama ka." I explained. Did he get it? Mukhang matigas ang prinsipyo niya sa buhay.
"Mas mabuti pa ngang mapag-isa ka, hindi lahat pwedeng pagkatiwalaan." Hmm. Sabagay. Tama nga naman siya.
Hindi na rin kami nagbukas pa ng panibagong topic pagkatapos non. Namalayan ko nalang na ginarahe na niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng school. Muli, huminga ako ng malalim at pinaypayan ang sarili ko para makakalma.
"Don't overact. Hindi ka naman kakainin ng buhay." Masungit na sabi ni Clark. Pasimple ko nalang inikot ang mata ko sa sinabi niya at binuksan na ang pintuan.
Mabilis akong naglakad papasok sa school para hindi ko siya makasabay, mahirap na baka maraming babae ito at madamay pa ako. Tama na 'yung sa bar kagabi.
Pero hindi rin ako nagtagumpay ng maramdaman ko ang matigas niyang kamay na humawak sa braso ko. Nilingon ko siya na nakataas ang kilay at hiningal ng kaunti dahil sa pagtakbong kaniyang ginawa.
"Alam mo ba kung saan ang papasukan mong room?" Hinihingal na tanong nito.
"Hindi." Tipid na sagot ko. Hindi ako pwedeng mag-marunong na alam ko dahil ang laki ng school, baka maligaw pa ako.
"Oh? Tiyaka mo ako iniwan doon!" Medyo iritadong wika niya. Nagtaka ako sa kinikilos niya.
"I'm just doing you a favor." Wika ko. "Baka may makakita sa atin na babae mo at awayin pa ako. Warfreak pa ang ibang babae mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag, baka para pakawalan na niya ako?
"Huwag mo silang pansinin. Wala silang pakialam." Matigas na wika nito. "Masasamahan kitang pumunta sa room mo." Hindi ako sanay na mabait siya ah. Lagi kaya siyang masungit.
"Bakit? Wala kabang pasok? Diba may pasok ka rin? Pareho tayo ng first period." Ayon ang pagkakaalam ko dahil 'yon ang sinabi niya kay ate Angelie kanina.
"Let me see your schedule." Ano pa nga bang magagawa ko? Binigay ko na sakaniya ang isang papel na naglalaman ng schedule ko.
"Good. Magkaklase tayo sa lahat ng subject." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Did I hear it right? Kaklase ko siya sa lahat ng subject? Is that possible? Sa dami naming estudyante rito parehong-pareho pa kami ng schedule.
"Ba-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila.
"Let's go. Malelate tayo sa Marketing." Nahila niya ako dahil hindi pa ako ganon nakabawi mula sa pagkakagulat.
Nagpahatak nalang ako sa kaniya habang papunta kami sa room daw namin. Nakita ko ang ilang pagsulyap sa amin ng mga estudyante, sa akin at sa kamay namin.
Wait? Sa kamay namin?! Namilog ang mata ko sa na-realize ko, oo nga pala! Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya pero lalo lang niya itong hinihigpitan.
"Clark, ano ba? Yung kamay ko!" Pagpapaalala ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Oh? Napano? Hawak ko." Hay. Hindi lang pala siya masungit, pilosopo rin.
"Maraming nakatingin." Medyo pabulong na wika ko habang pilit na inaalis ang kamay ko.
"Pabayaan mo." He said. Bakit ba nakasama ko ang taong walang pakialam sa paligid niya?
Nakahinga ako ng maluwag nang huminto kami sa tapat ng isang classroom, mukhang wala pa ang prof namin dahil may kaniya-kaniya silang ginagawa.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ng mga babae at bumaba sa kamay namin ni Clark na magkahawak, kaagad ko 'tong binitawan mabuti nalang hindi na niya ito hinigpitan pa.
Nilibot ko ang tingin ko sa classroom, nakita ko ang pag-upo ni Clark sa likod. Kung gusto kong maging payapa ang pag-aaral ko kailangan kong lumayo sa masungit na 'yon. Hindi ko alam pero hindi ako komportable kapag nasa tabi ko siya.
Nahihiyang umupo ako sa tabi ng isang babaeng makapal ang salamin. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng librong hawak niya.
Napabuntong hininga ako dahil hindi pala ito high school na kapag may transferee ay parang big deal sa kanila, hindi pala ito high school na dadatnan mong magulo ang classroom kapag walang prof. Kung sabagay, we're already a matured.
Nasanay rin ako sa ibang bansa pero mas liberated ang mga roon. Ang hirap talagang mag-adjust lalo na kapag mag-isa ka lang. Kung nandito lang sana ang kakambal ko edi may kausap ako, pero mukhang wala nang balak bumalik ang kakambal ko sa Pilipinas. Ayaw niya pang bumalik dito.
Natapos ang isang oras para sa isang subject at lilipat na kami sa susunod na subject.
Bahagya akong napatalon nang maramdaman ko ang presensiya ni Clark sa gilid ko.
"Sumunod ka lang sa akin." Utos niya. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya.
Wala rin akong magagawa dahil hindi ko pa alam ang mga classroom rito at baka maligaw pa ako dahilan ng pagiging huli ko sa klase.
Tahimik lang kaming naglalakad habang naka chin up siya. Lakas rin kasi ng dating ng lalaking ito. Halos napapalingon at ang iba ay nagkakandabali na ang leeg para lang matingnan siya.
I suddenly curious kung bakit siya nag-shift ng course? Edi sana nagtatrabaho na rin siya ngayon. Ano bang nangyari sa buhay ni Clark Kent sa loob ng limang taon?
Nauntog ang noo ko sa matigas niyang likod dahil hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa isang silid. Kunot noong tumingin siya sa akin, tiningnan ko lang siya.
"Ang lalim ng iniisip mo." Seryosong wika niya. Pinilig ko nalang ang ulo ko para alisin ang mga katanungan na bumabagabag sa isip ko.
Entrepreneurship ang subject namin ngayon. Nakita niya na ang aming prof kaya niyaya na niya akong pumasok sa loob.
This time, katabi ko siya dahil ang katabing upuan nalang niya ang bakante, no choice naman ako at choosy pa ba kaya roon narin ako umupo.
"Mr.Suarez. You didn't pass your requirement." Kunot noo akong napatingin sa kaniya pero wala man lang siya pake. Anong requirement?
"I don't have a partner." Simpleng sagot nito. Edi sana siya nalang ang gumawa! Hindi ba siya mabuhuhay ng walang kasama?
"Okay." Nagulat ako sa biglang desisyon ng guro, okay? "Since, Ms. Torres is a new student. She will be your partner and this is to be pass tomorrow." Namilog ang mata ko, paano namin magagawa 'yon?
Magrereklamo pa sana ako nang magtuloy-tuloy na ang prof sa pagtuturo sa discussion for today. Napabuntong hininga ako tiyaka nag jot down notes.
Hanang nagsusulat hindi ko maiwasan na tumingin sa katabi ko. Seryoso siyang nakikinig habang pinaglalaruan niya ang bolpen niya. Pinagkibit balikat ko nalang at nagpatuloy sa pagsusulat.
Natapos ang araw at kaklase ko nga siya sa buong subject ko. Katabi ko rin siya ngayon sa last period at inaayos na namin ang mga gamit namin tiyaka ko naisipang magtanong sa kaniya.
"How about our requirement on Entrepreneurship?" I asked. Lumingon siya sa akin. "Pupunta ka sa bahay?" Follow up question.
"Nope. Kailangan kong umuwi ngayon." Simpleng sagot niya, kumunot ang noo ko sa sagot niya. Don't tell me ako lang ang papagawan niya? "Sa amin, hatid nalang kita mamaya." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
"Are you serious?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tamad siyang tumingin sa akin.
"Oo. Don't worry, nandoon si Clarisse at yung parents ko. Huwag madumi ang utak mo." Namilog ang mata ko sa sinabi niya, ako pa talaga?! "Let's go." Yaya niya at sinabit na ang kanyang bag sa balikat niya.
Padabog akong sumunod sa kaniya. Daig pa niya ang babaeng may period. Hindi ko alam pero kapag naiinis ako, nagdadabog lang hindi kagaya ni ate Ann sumasabog.
Pabagsak kong sinara ang pintuan ng kotse pero parang wala lang naman sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pagdrive.
Nilagpasan namin ang subdivision nina ate Angelie kung saan ako nakatira at sa kalapit na subdivision siya pumasok. Kaagad niyang nagarahe ang sasakyan niya sa bahay nila kaya bumaba na lang rin ako.
Hawak ang makakapal na libro na binili ko sa bookstore nang isang araw para makatulong sa pag-aaral ko. Sumunod ako sa kanya sa pagpasok sa kanilang bahay.
Pagpasok ko, isang teenager na babae ang nakita ko. It's Clarisse, dalaga na siya. Ngumiti siya sa amin at kinuha ang gamit niya tiyaka umakyat sa taas.
"Clar, si Mommy?" Sigaw na tanong ni Clark sa kapatid dahil nasa second floor na ito.
"Sa kusina." Saktong pagsigaw pabalik ni Clarisse ay ang paglabas mula sa kusina ng mommy nila.
"Mom." Bati ni Clark and he kiss his mom. How sweet, sana ganiyan nalang siya palagi.
Humalik rin ang mommy niya tiyaka tumingin sa akin ng isang masungit na tingin dahil nakataas pa ang kanyang kilay. Bigla akong kinabahan sa simpleng tingin ng mommy niya. Parang isang girlfriend akong pinapakilala sa pamilya.
"Who are you?" Mataray na tanong nito sa akin. Kaunti akong napatalon sa gulat dahil sa tono ng pananalita ng mommy niya.
This is one of the scariest moments in my life.