Chapter 3
Girlfriend
Isang linggo, isang linggo ko ginawa lahat ng mga kailangan ipasa dahil nga late enrolee ako. Nag-unat ako ng braso tiyaka muna bumaba, linggo ngayon kaya day-off ni ate Angelie, si kuya Adam walang balak mag day off.
Kumunot ang noo ko habang pababa ako ng marinig ang tawanan ng dalawang pamilyar na lalaki sa sala. Napatingin sila sa akin at kaagad na ngumiti sa akin si kuya Adam. Buti nalang nandito si kuya Adam pero nakabihis sila mukhang aalis at naghihintay lang ng oras.
"Oh, nagmiryenda ka na Grace?" Tanong sa akin ni kuya Adam, napatingin ako sa katabi niya na kaunti nalang ang kurba sa kaniyang labi. Ngumiti ako nang naiilang bago sagutin ang tanong niya.
"Hindi pa kuya, kakatapos ko lang gawin lahat ng requirements." Sagot ko, napatango siya sa sinabi ko. "Hindi ka yata nagtrabaho ngayon kuya? Himala." I joked. He laugh a little.
"I need rest." Nakangiting sagot niya sa akin. Syempre, sa ginawa ba naman niyang oxygen ang trabaho talagang kailangan na niya ng pahinga.
"Pero aalis ka?" I asked at tumingin sa katabi niya na walang emosyon na nakikinig sa aming dalawa.
"Hmm. We will just have fun." Ngiting sagot ni kuya. Hindi ko maiwasan na malungkot sa kalagayan ngayon ni kuya, I know how he loves Setiel so much that he can't find someone else.
"Have fun, have fun! Ang daming pwedeng puntahan diyan pero sa bar pa ang punta niyo!" Bahagya akong napatalon at napatingin sa likod ko kung saan pababa si ate Angelie. Napailing nalang si Kuya sa kaniya.
"Ayaw mo ba 'yon? Naghahanap kami ng babaeng hindi kami iiwan." Sagot nang nakangising si Clark. Napabaling ako ng tingin sa kaniya, bar para maghanap ng babae?
"Don't find a girl in a bar instead find a girl inside the church." Hindi ko mapigilan ang pag-singit. Napawi ang ngisi ni Clark sa sinabi ko.
Biglang pumalakpak si ate Angelie sa sinabi ko. "You nailed it!" Sabay ngisi niya sa dalawa. "Kung gusto niyo ng matinong babae, huwag sa bar." Masungit na sabi nito.
"Iinom lang naman ako. Si Clark lang naman ang maghahanap ng babae." Kibit-balikat na sagot ni kuya Adam. Nakita ko ang kaunting paggalaw ng panga ni Clark.
"Iinom lang? Sa tingin mo ba kuya magugustuhan ni Setiel 'yan?" Mahinahon na tanong ni ate Angelie. Bahagyang napakagat ng labi si kuya Adam.
"How can I move on from her if you keep on mentioning her name?" kuya Adam said coldly. He's right, how can he move on when Setiel shadow is still here?
Nakapamulsang lumabas ng bahay si kuya Adam habang sinusundan lang naman namin siya ng tingin. Napatingin ako ngayon kay Clark na nasa harapan namin at nakatingin sa aming dalawa ni ate Angelie.
"Just understand him." Wika nito sa amin at sumunod na kay kuya Adam.
Napabaling sa akin si ate Angelie kaya bumaling din ako sa kaniya.
"Natapos mo na ba ang mga requirements mo?" she asked. Napakunot ang noo ko sa tanong niya pero ngumiti lang ako.
"Oo." sagot ko sa kaniya. Napatango siya sa sinabi ko.
"Good. Change your clothes, we will follow them." Nagulat ako sinabi ni ate Angelie at nagmadali siyang tumakbo sa taas. "Hurry!" Sigaw niya sa akin mula sa taas.
Nang matauhan ako ay kaagad rin akong pumasok sa kwarto ko isang purple crop top at purple short ang sinuot ko sa pagmamadali. Nang pababa na ako nakita ko na si ate Angelie na nasa pintuan na kaya lalo ko pang binilisan.
Nang makapasok na ako sa kotse ni ate Angelie ay nag inhale exhale muna ako sa sobrang pagod. Napagod ako roon ah? Bakit ba kailangan namin silang sundan, lalaki sila kaya na nila ang sarili nila.
"Bakit kailangan natin silang sundan ate?" I asked out of curiousity. Tutok lang sa daan si ate Angelie at seryosong nadadrive. Medyo mabilis ang pagpapatakbo niya.
"Once a month, pumupunta si kuya sa bar kasama si kuya Clark. Kuya and kuya Clark drink too much. Nagpapatulong pa ako sa friend ko noon para sunduin at mauwi lang silang dalawa. Hindi nila kaya pero pilit silang umiinom." Kwento sa akin ni ate Angelie. Napatango ako sa kwento niya.
"Pipigilan ba natin sila?" I asked. Umiling siya sa tanong ko.
"Nope. Hindi naman sila magpapapigil. If it's okay with you, hihintayin natin hanggang sa malasing sila." She said. "Ganon lagi ang ginagawa ko, sakit sa ulo ang dalawang Suarez na 'yan!" Naiinis na wika ni ate Angelie. Napatawa ako sa reaksiyon niya.
"Baka tumanda kayong tatlo ang tumandang dalaga't binata." Biro ko kay ate. Mukhang hindi nagkaka-lovelife si ate Angelie sa pamroroblema sa dalawang Suarez.
Nakarating na kami sa bar at kaagad na pinark ni ate ang kaniyang sasakyan. Sabay naming binuksan ang pintuan ng kotse tiyaka kami bumaba.
As usual, pagkapasok mo sa bar amoy ng alak at sigarilyo ang sasalubong sayo. Kaagad kaming pumwesto ni ate Angelie sa isang sulok kung saan natatanaw namin ang dalawang Suarez.
Nag-order ng juices sa amin si ate Angelie habang pinagmamasdan ang dalawa na marami nang hard drinks sa mesa nila. Masayang umiinom habang may dalawang babae ang naka sandal sa dibdib nila.
Kumunot ang noo ko habang inaamoy-amoy ni Clark ang buhok ng babaeng nakasandal sa kaniya, walang emosyon naman na umiinom si kuya Adam.
Madami narin ang lumalapit sa puwesto namin ni ate Angelie pero kaagad rin silang tinataboy ni ate, hindi rin naman iyon ang pinunta namin dito.
Isang oras at kalahati na ang lumipas at naka-ilang hard drinks na sila. Tumayo sila at pagewang gewang na pumunta sa dance floor. Tumayo na si ate Angelie habang masungit at malamig ang tingin. Napabuntong hininga ito at tumingin sa akin.
"Sunduin na natin sila bago pa makabuntis." Nagulat ako sa winika ni ate Angelie pero kaagad rin akong nakabawi. Oo nga, kapag lasing na ang isang tao minsan hindi na niya alam ang ginagawa niya.
"Ayaw mo non ate? May pamangkin na tayo." Biro ko. She rolled her eyes dahilan ng pagtawa ko. Mukhang naging masungit si ate Angelie eh, kagagawan ba 'to ng dalawang Suarez?
"Dapat yung disente at mabuti naman ang maging in-law ko." Wika niya, natawa ako sa sagot ni ate pero tumayo narin ako para hanapin sila sa dance floor.
Hindi naging madali ang pagpasok namin sa kumpol ng mga taong nagsasayawan, kung makikita mo parang ang konti lang nila pero kapag pumunta kana sa dance floor ang dami pala. May ilang malalaswang sayaw na ang ginagawa.
Hirap kong hinahawi ang mga tao para hanapin sila. Nagkahiwalay narin kami ni ate Angelie kaya tatlo na ang hinahanap ko ngayon. Hindi naman ito ang unang pagkakataon kong makapunta sa isang bar pero hindi rin naman ako madalas.
Kalahating oras na siguro akong naghahanap pero hindi ko parin sila mahanap. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kahit na nagsisiksikan na nakuha ko parin naman ito at binasa ang isang message ni ate Angelie.
Ate Angelie: Grace, Nakita ko na si kuya pauwi na kami. Pakihanap na lang si kuya Clark ah? Salamat. :)
Napakamot ako sa ulo ko sa text ni ate Angelie, sana si Clark nalang nahanap niya. Paano ko ba mahahanap ang lalaking 'yon?
Sa sulok naman ng dance floor ko siya nakita habang may kahalikan na iba. Napapikit ako ng mariin at napasinghap. Kailangan ko ng lakas ng loob para lumapit sa kanila.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko tiyaka ko sila nilapitan.
Buong pwersa kong nilayo si Clark sa babae. Nakita ko ang nagliliyab na mata ng babae sa ginawa ko. Napatingin ako kay Clark na mapupungay ang mata at nakangisi.
"Sino ka ba ha?!" Galit na sigaw sa akin ng babae. Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa este, mula ulo hanggang paa. She doesn't deserve to be a Suarez.
Nagulat ako sa biglang paglagay ni Clark sa kaniyang kamay sa aking baywang pero kaagad rin akong nakabawi para saguting ang babae.
"Wala ka na ron." Sagot ko, wala rin naman akong masagot isa lang naman akong pinsan ng pinsan ni Clark.
"Oh! Huhulaan ko, isa ka sa mga babae ni Clark? Ganiyan ka ba ka-despereda? Clark already dumped you!" Halos mawalan na siya ng boses sa sigaw niya.
"Share mo lang?" Wala na akong ibang masagot sa kaniya, pasalamat nga siya sinagot ko pa siya!
"So? Nagfi-feeling ka na mapapabago mo rin si Clark? Sorry, girl. Huwag ka ng umasa, siya lang ang may kayang gumawa non." Kahit na nacucurious ako kung sinong siya ang sinasabi niya hindi ko parin pinahalata sa kaniya.
Napatingin ako sa lalaking nakalagay na ngayon ang ulo sa balikat ko kaya hinawakan ko na ang isang balikat niya. Mukhang hindi na niya kaya, iinom-inom weak naman pala.
"Excuse me, i'm not a mirror, girl." Ganting sagot ko sa kaniya. Mas lamang naman ang kagandahan ko sa kaniya para gawin niya akong salamin at pagsalitaan nang ganon, magrereflect sa kaniya ang mga sinasabi niya sa akin. Nakakaawa ang mga babaeng kagaya niya.
"Kyla, stop it." Suway sa kaniya ni Clark habang namumungay parin ang kanyang mata.
"What?! I'm not Kyla! Xyla! Xyla ang pangalan ko!" Sigaw ng nangangalang Xyla kay Clark.
"Whatever your name is, I don't care." Walang emosyong wika nito. "Don't talk to my girlfriend like that." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Girlfriend?!
"Girlfriend?!" Tiyaka nagpakawala ng tawa si Xyla. "Oh Clark, don't make me laugh." Hindi makapaniwalang wika pa nito.
"I can't kiss her, sorry. I kissed a trash earlier." Namilog ang mata ni Xyla kay Clark at nanunubig ang kaniyang mata tiyaka ito nag walk out. O.A ah?
Napabuntong hininga nalang ako, mabuti nalang at natapos na ang eksenang 'yon. Tamad akong tumingin sa akay-akay ko, bakit ba kasi naglalasing hindi naman pala kaya. Mga baliw talaga ang mga lalaki. Abnormal.
Inakay ko siya hanggang makarating sa kotse niya mabuti nalang at natandaan ko pa tiyaka ito ang ginamit nila kanina ni kuya Adam kung hindi patay ako.
Binuksan ko ang front seat tiyaka ko siya pabagsak na sinakay roon, ang bigat niya! Padabog akong pumunta sa driver seat.
Nakasandal ang ulo niya sa salamin ng sasakyan at nakapikit ito. Hindi man lang nag seat belt! Bakit ba kasi ginagawa pa nila ni kuya ito? Nakaka-stress ha.
Maingat kong nilagay sa kaniya ang seat belt kaya gumalaw siya tanda na nagising siya. Sinilip niya ako mula sa namumungay na mata bago nagsalita
"Marunong ka bang mag drive?" Seryosong tanong nito. Parang napapaos dahil siguro sa mga nainom niya na mapapait at matatapang sa lalamunan.
"Oo." Tanging sagot ko nalang sa kaniya.
"Kina kuya nalang kita iuwi ha? Hindi ko alam ang bahay niyo." Wika ko, baka magtaka siya kung saan ko siya dinala.
"Hmm." Tanging sagot nalang niya.
Napabuntong hininga ako, somehow, naawa ako kay ate Angelie. How can she handle the two hard headed Suarez? Baka siya ang sumunod kay lola Tess.
"I'm serious, I want you to be my girlfriend." Sabi niya habang nakapikit.
He wants me to be his girlfriend? He must be dreaming.