CONTINUATION OF BEATRICE FLASHBACK'S
BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V
Naunang sumakay si Aidan sa kabayo at ng makasakay siya ay tinulungan niya din Ako na makasakay sa likuran niya.Hindi ko maintindihan pero tila Ako nakukuryente kapag nagkakadaiti ang aming mga katawan.Tinanong niya pa kung okay lang ba Ako sa kaniyang likudan.
"Okay ka lang ba diyan Señorita!?" Tanong nito sa akin.
"Oo okay lang Ako dito!" Halika na!" sagot ko naman sa kaniya.
Pinatakbo na nga nito ang kabayo.Kaya napakapit pa Ako sa braso nito dahil muntik na Ako mawala sa balance.
"Señorita!" Tawag nito sa akin na lumingon pa sa akin at pinatigil muna ang kabayo na aming sinasakyan.
"Okay ka lang ba Señorita?' Pasensya na po !" Paghingi nito ng pasensiya sa akin.
"Okay lang Ako medyo nawala lang sa balanse dahil sa hindi naman talaga Ako sanay na sumakay sa kabayo!" Sagot ko sa kaniya.
"Sige Señorita kumapit ka na lamang sa aking bewang ng sa ganoon ay hindi ka mahulog."Utos nito sa akin na ng hindi ko sinunod ay siya na mismo ang naglagay ng aking mga kamay sa kaniyang bewang.Kaya ngayon ay nakayakap na Ako sa kaniya.Amoy na amoy ko na din ang prekong sabon gamit niya.Napakabango niya at hindi man ganoon kalaki ang katawan niya ay pansin ko na batak ito sa trabaho dito sa haciendera.
Sumandal na lamang Ako sa kaniyang likudan at halos 20 minutes na kaming nakasakay sa kabayo ng tumigil ito.
"Nandito na po tayo Señorita!"Tinulungan niya Ako na makababa sa kabayo na parang kinarga niya na din Ako at ibinaba .
"Doon sa may malaking puno ay malakas ang signal diyan!" Turo nito sa akin habang nagsasalita ang malaking puno na malapit sa bangin.
"Sige halika na para makatawag na Ako sa mga magulang ko!" pagyaya ko dito sa malaking puno na tinuro nito sa akin.
"Mauna ka na po Señorita dahil aayusin ko po muna ang pagtatalian ko kay Moon." Sagot nito sa akin
"Okay!" Sige hihintayin na lamang kita doon!"Sagot ko sa kaniya.
Naglakad na nga Ako papunta sa puno na tinuro ni Aidan sa akin.
Nang makarating Ako dito ay agad ko na inilabas ang aking cellphone at tama nga si Aidan malakas nga ang signal dito.Tinawagan ko na agad si Mommy na sinagot naman agad nito.
"Hello! Sweetie kumusta ang naging byahe mo kahapon?'
"Okay naman po Mom!" Sagot ko dito.
"Okay sige na IHA dahil marami pa Ako na kailan asikasuhin dito mag-iingat ka na lamang lagi diyan at mga bilin namin ng Daddy mo!"Huwag na huwag kang gagawa ng kahihiyan na ikakasira ng pangalan natin okay!" Si Mommy na puro na naman paalala sa akin na baka kung ano na naman ang gawin ko dito sa hacienda ni Lola.
Hanggang sa pinutol na niyo ang aking tawag kaya naisipan ko na tawagan na lamang ang kaibigan ko na si Tisha.
"Yes hello!" Bea kumusta ka diyan sa hacienda ng Lola mo?" Tanong agad nito sa akin.
"Ito okay naman Sis!" ngayon lang Ako nakatawag dahil kinailangan ko pa na maghanap ng signal."Dahil napakahina ng signal dito!" Sagot ko dito sa tono ng boses na nagmamaktol.
"Kung bakit kasi pumayag ka pa na ipadala diyan ng Daddy mo Bea!"Nakiusap ka nalang sana na!"
"Alam mo naman na kapag si Daddy na ang nagdesisyon ay wala na akong nagagawa pa Sis'.Kaya kahit na ayaw ko ay pumayag na lamang Ako dahil ayaw ko na magalit sa akin ng tuluyan si Daddy!" You know me Tisha!" mas malapit Ako sa Daddy ko kaysa Mommy!"
paliwanag ko kay Tisha na kung nakikita ko lamang ngayon ay tiyak nakasimagot na dahil siya din naman ang naging dahilan kung bakit nandito Ako ngayon sa hacienda.Nahuli kasi kami ng professor namin sa school na naninigarilyo at dala ito ni Tisha.At kahit hindi na kami minor ay pinatawag pa din ang mga magulang namin.Kaya ito ang naging parusa sa akin ni Daddy.
Habang magkausap kami ni Tisha ay natanaw ko na pinapakain ng kung ano iyong kabayo na sinakyan namin.
"Alam mo ba Sis na may gwapong trabahador dito si Lola !"
"Oohh really Bea?" So Anong balak mo ?"Tanong nito sa akin.
"Anong balak pinagsasabi mo diyan Tisha?" Balik tanong ko dito.
"Oh c'mon Bea!" You know what I mean! So gusto mo ba ng bet na ang prize ay ang aking Chanel bag na matagal mo ng hinihingi sa akin dahil naubusan ka ng stock nito dahil limited lamang sa market?"
"Ano ba na bet iyan Sis at gagawin ko dahil gustong-gusto ko talaga ang bag mo na iyan?"Tanong ko dito .
"So your interested na Bea?" Ganito lang kasi yan Sis paibigan mo ang trabahador ng Lola mo at kapag hulog na hulog na siya sayo ay makipaghiwalay ka.'Gagawin mo lamang iyan within two months na nandiyan ka sa hacienda ng Lola mo!" Pero kapag hindi mo nagawa ay siyempre dapat may prize din Ako!' mungkahi nito sa akin na sinang-ayunan ko na din.
"Okay sige kapag hindi ko napaibig ang trabahador ni Lola na iyon ay bibigyan kita ng set ng jewelry na kahit anong.gusto mo!" Sagot ko naman kay Tisha na tumawa naman habang kausap Ako sa cellphone.
"So deal Bea!" Wala ng atrasan ito okay!" muling tanong nito sa akin.
"Yes it's a deal Tisha wala ng atrasan dahil baka nga isang buwan palang Ako dito ay nababaliw na sa akin ang Aidan na ito."
"By the way Tisha ibaba ko na ang tawag dahil gusto ko na makita ng buong hacienda."Tatawag na lamang ulit bye!" Paalam ko dito.
"Sige Bea balitaan mo na lamang Ako sa naging bakasyon mo diyan sa Lola mo pati na din sa deal.natin bye girl!" May pupuntahan din kasi na bagong bukas na club ang mga barkada natin at tanging ikaw lamang ang hindi makakasama sa amin.".Sagot nito sa akin.
"Okay lang iyan babawi nalang Ako pagbalik ko diyan sa Manila bye! "Binaba ko na ang tawag at nilapitan ko na si Aidan na abala pa din sa pagpapakain sa kabayo.
Habang papalapit Ako dito ay napagmasdan ko ang mukha nito. Ang gwapo pala talaga nito.Bulong ko sa aking isipan.Hanggang sa makalapit na nga Ako dito.
"Hindi pa ba busog iyang kabayo?" Tanong ko dito at agad naman ito na tumayo mula sa pagkakaupo.
"Busog naman na po siya Señorita!" gusto niyo na po ba na mamasyal dito sa farm ng Lola niyo?"Tanong nito sa akin.
"Sige tayo na tapos ko naman tawagan sila Mommy."Sagot ko naman dito kaya naman inalis na nito ang tali ng kabayo mula sa pagkakatali sa isang puno.
Sumakay na ito ulit at tinulungan na lamang Ako na makasakay muli sa kaniyang likudan.
"Humawak ka sa akin muli señorita para hindi ka mahulog."Utos nito sa akin na sinunod ko na lamang.
Hanggang sa nalibot namin ang buong hacienda at pinakilala niya na din Ako sa mga ibang trabahador sa hacienda.
"Halika Señorita ipapakilala kita kila tatay Berting ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na trabahador ng Lola mo dito sa hacienda." Paliwanag sa akin ni Aidan kaya bumaba na Ako at inalalayan niya naman Ako dahil sinabihan ko na agad siya na huwag na akong kargahin katulad kanina dahil nakakahiya na ikinangiti lamang nito.
"Huwag po kayo na mahihiya sa amin Señorita!" tungkulin po namin na pagsilbihan ka dahil nagtratrabaho po kami sa Lola mo." Sagot nito sa akin.
Naglakad na kami papunta sa kubo kung saan nagkukumpulan ang mga trabahador dito sa hacienda kumakain sila ng pananghalian.
"Sino ang kasama mo na binibini Aidan?" Tanong kay Aidan ng medyo may katandaan na isang lalaki kaya pinakilala na Ako sa kanila.
"Si Señorita!" Wait ano nga ba ang iyong Señorita?" Tanong sa akin ni Aidan na ngayon lamang naalala na itanong ang pangalan aking pangalan.
"Ako po si Beatrice Luigi SAMONTE ang panganay na apo ng Lola Luciana sa kaniyang nag-iisang anak na Daddy ko." Pagpakilala ko sa kanilang lahat.
"Napakaganda naman ng iyong pangalan Señorita kasing ganda niyo po!" Halina po kayo at kumain kahit alam namin na hindi kayo sanay na kumain ng.mga ganitong pagkain. Lalo na at lumaki ka sa siyudad." Natawa na lamang Ako ng bahagya sa papuri na aking narinig mula sa kanila.
"Bea na lamang po ang itawag niyo sa akin napakapormal po ng señorita.Atsaka ano po ba iyang pinagsasaluhan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Ito nilagang kamote na may sawsawan na pinagpritusan ng isda Señorita Bea!" paliwanag nila sa akin at kumuha nga Ako ng isa at isinawsaw ito sa mantika na may kunting asin.
"Wow!" Ang sarap po pala nito ngayon lang Ako nakatikim na pwede pala isawsaw sa mantika ang kamote!"
"Mukhang nasarapan ka po Señorita Bea diyan sa kamote na kami mismo ang nagtanim dito sa hacienda ng Lola mo na napakabait maliban na lamang sa asawa ng Daddy mo na iyong Ina.Pasensya ka na IHA kasi ang Mommy mo kasi ay nag suggest na sa Lola mo na ibenta na ang hacienda na ito dahil tumatanda na din ang iyong abuela at hindi na din daw maasikaso ng Daddy mo ang hacienda."Mahabang paliwanag nila sa akin sa gustong gawin ni Mommy dito sa hacienda.
"Naiintindihan ko po kayo huwag po kayo na mag-alala kakausapin ko ang Daddy na huwag ng ibenta ang hacienda kapag nawala si Lola." Basta po mangako lamang kayo na aalagaan niyo po ito ay Ako na ang bahala na makiusap sa Daddy ko."Pagbibigay ko ng assume sa kanila na hindi sila mawawalan ng lupang pagsasakahan nila.
"Maraming salamat sa inyo señorita Bea mabuti na lamang at hindi kayo nagmana sa inyong matapobreng Ina." Nakuha mo ang ugali ng Lola mo na may malasakit sa aming mga trabahador." Mga papuri mula sa kanila na alam ko na mula sa puso nila.Dahil hindi ko din sila masisi kung bakit ayaw nila kay Mommy.
Dahil totoo naman na matapobre ito at dahil anak niya Ako ay alam ko iyon.
Nagkwentuhan pa kami ng mga trabahador at hindi namin namalayan na hapon na pala maging si Aidan ay nag-eenjoy pa habang nakikipagkwentuhan sa kapwa trabahador niya.Nagpaalam na ito sa kanila.
Tumayo na ito at lumapit sa akin.
"Señorita Bea!" halika na po at baka abutan na tayo ng ulan pabalik sa mansion dahil dumidilim na ang paligid at nagbabadya na ang ulan."Pagyaya nito sa akin kaya naman nagpaalam na din Ako kila Tatay Berting at. maging sa asawa nito na si Nanay Rosa na naging mabait at maasikaso din sa akin habang nandito kami.
"Aalis na po kami Tatay Berting at Nanay Rosa.!" Pero huwag po kayong mag-alala dahil habang nagbabakasiyon Ako dito ay madalas po Ako na pupunta dito sa taniman at magpapatuto na din po Ako sa inyong magtanim." Salamat po ulit sa magiliw ninyo na pagtanggap sa akin dito sa inyong kubo.
"Sige Señorita Bea aasahan po namin ang sinabi mo na babalik ka dito habang nagbabakasyon ka dito sa hacienda ng Lola Luciana mo." Si Nanay Rosa na niyakap pa Ako bago kami umalis ni Aidan.
Pinasakay na Ako nito sa harapan bago ito sumakay kaya ngayon ay siya naman ang nasa likudan ko.Kahit naiilang ay hindi ko na lamang ito pinahalata sa kaniya.Dahil baka mahiya pa siya sa akin.
Habang matulin niya na pinapatakbo ang kabayo dahil babagsak na talaga ang ulan.Pero inabutan pa din kami at naghanap muna ng masisilungan na kubo.Medyo basa na din kami ng marating namin ang pinakamalapit na kubo sa amin.
"Pasensya ka na Señorita nabasa na tayo!" Dapat pala ay kanina pa tayo bumalik sa mansion medyo napasarap kasi ang kwentuhan kanina kila tatay Berting."Kumakamot sa ulo na paghingi nito ng pasensiya sa akin na ikinangiti ko lamang.
"Huwag ka ng humingi ng pasensiya diyan Aidan!" Dahil nag-enjoy din naman Ako habang kausap sila Nanay Rosa kanina."
"At pwede ba huwag muna akong tawagin na señorita! " Bea na lamang okay! sinabihan ko na kayo kanina pero Señorita pa rin talaga ang tawag niyo sa akin."
"Ginagalang ka po kasi namin Señorita este Bea po pala kaya hindi mo din po masisi ang mga trabahador dahil iyon po ang dapat."Paliwanag sa akin ni Aidan