BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V
Nakauwi na ako sa bahay at aking dinatnan ang daddy ko na nasa labas na mukhang hinihintay Ako na dumating.Humalik muna Ako sa pisngi nito at nagmano.
"Daddy !" tawag ko dito. Hinihintay mo ba Ako?" kaya nandito ka sa labas?" tanong ko dito na ikinatango lamang nito.Dahil simula ng mastroke noong second year college pa lamang Ako at dahil na din sa dinamdam nito ang pagkalugi ng business namin.Hindi na din ito nakakapagsalita pa ng maayos kaya nga kahit mahirap para sa akin na tanggapin ang trabahong aking kinasasadlakan ngayon ay kailangan ko na magtiis para makabili ng gamot ni Daddy at pambayad ng mga bills namin.
"Bea!" Nandiyan ka na pala anak !" Tawag sa akin ni Mommy na sa paglipas ng mga panahon ay nagbago na ang ugali nito na mapang mata.Ngayon ay napakasimpleng maybahay na lamang nito at inaalagaan na lamang si Daddy at ang bunsong kapatid ko na nag-aaral pa sa college ngayon.Kaya Hindi pa pwede na tumigil Ako sa trabaho ngayon sa club dahil kailangan pa Ako ng aking pamilya.
"Yes Mom!" Nag-overtime pa kasi Ako ngayon kaya medyo tanghali na Ako nakauwi."Sagot ko kay Mommy.
"Sige halika na at kumain ka na din ng breakfast Bea!" Pag-aya sa akin ni Mommy kaya agad ko na inikot ang wheelchair ni daddy at pumasok na nga kami sa loob.
Pagkatapos ko na kumain ay pumasok muna Ako sa kwarto ni Daddy at nakita ko ito na may tinuturo sa T.V
at nagulat Ako dahil si Aidan pala ang tinuturo nito na nasa isang recorded interview pala.
"D a n " medyo utal na pagkakasabi ni Daddy pero narinig ko na tinawag niya ang pangalan ni Aidan na nakangiti ngayon habang kinakausap ng host na nag-iinterview dito.
Umupo ako may bandang gilid ng wheelchair ni Daddy at hinawakan ang mga kamay nito.
"Dad!" Hindi na po babalik sa atin si Aidan!" Dahil nakatatak na sa isipan niya ang mga nangyari noon sa amin sa hacienda ni Lola.
Naalala ko pa ng unang araw na tumapak Ako sa hacienda ng Lola ko sa Albay.Dahil sa matigas ang ulo ko noon ay napagpasyahan ni Daddy na ipadala Ako kay Lola habang bakasyon at wala pang pasok at dahil si Daddy ang batas sa bahay ay kailangan na sumunod Ako dito kahit pa napipilitan lamang ako.
BEATRICE FLASHBACK'S 10years ago.
" Hay!" nakakainis talaga si Daddy!" pagmamaktol ko ng makarating Ako sa hacienda ni Lola.kung bakit kasi pinadala pa Ako dito nakakainis dahil mukhang wala pang signal dito.
Sinalubong naman agad Ako ni Lola at nakangiting niyakap Ako nito.
"Kumusta ang naging byahe mo apo?" Tanong sa akin ng Lola ko.
"Okay naman po Lola!" sagot ko dito na nakangiti dahil namimiss ko naman talaga ito.
Pumasok kami sa loob ng mansion at dinala Ako ni Lola sa dining area.Doon ay may mga nakahain na pagkain na mga paborito ko.Kaya medyo nawalan ang inis ko at lumapit na sa mesa na punong-puno ng pagkain.
"Wow!" Lola thank you po sa masasarap na mga pagkain na ito!'
,"Nagustuhan mo ba apo!" Ang mga pinahanda ko na mga pagkain para sa pagdating mo?" Tanong sa akin ni Lola.
"Opo!"Lola sobrang sarap po nito!" nabusog po talaga ako!"Sagot ko na muli kay Lola.
Pagkatapos ko na kumain ay nagpaalam muna Ako sa aking Lola na magpapahinga muna Ako.
Hinatid muna ko ni Lola sa aking magiging kwarto habang nandito Ako sa hacienda.
"Dito ka tutuloy IHA habang nandito ka sa akin!" Paliwanag sa akin ni Lola na nagpaalam na din na aalis na muna dahil may kailangan itong tingnan na mga pananim na malapit ng anihin.
"Sige IHA maiwan na muna kita dito. Tawagin mo na lamang ang mga katulong kung may kailangan ka okay!" Paalam. sa akin ni Lola Luciana
"Opo Lola!" Salamat po ulit!" Sagot ko dito.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay kinuha ko agad ang aking cellphone.Pero nabadtrip lang Ako dahil sa wala naman Ako masagap na signal dito sa aking kwarto kaya naman lumabas muna Ako para maghanap ng signal.Habang naglalakad Ako at nakatingin sa aking cellphone ay bigla Ako nakatapak ng malambot at dahil sa pagkagulat ay humakbang ulit Ako.Pero dahil madulas na ang aking sandals ay tuluyan na akong nadulas sa mabaho na parang putik na ito.Ngayon ay pinipilit ko na tumayo pero dahil sa madulas ay hindi ko magawang makatayo.Hanggang sa makarinig Ako ng
tumatawa mula sa aking likuran at nilingon ko ito,Isang lalaki na moreno ang aking nakita.Sinigawan ko ito na tulungan Ako para makaalis dito sa mabahong putik na ito.
"Hoy!" Ikaw!" turo ko dito."Tulungan mo nga Ako na makaalis dito bilisan mo!" Utos ko dito.
Lumapit naman agad ito sa akin na tumatawa pa din kahit na nakikita niyang nakasimagot na Ako.
"Ano pang tinatayo-tayo diyan?" Tulungan muna Ako dito dahil ang baho-baho!" Pagmamaktol ko dito.
"Okay! Sige halika abutin mo ang kamay ko para makaalis ka na diyan sa tae ng kalabaw!" Ha Ha Ha!" Paglalahad nito kamay sa akin para makaalis mahila.niya Ako.
"Tae ng kalabaw ito?" Tanong ko pa dito
"Oo!" Miss t*e ng kalabaw yan.Sagot nito sa akin na nakatawa pa din..
Inabot ko na nga ang mga kamay nito at tinulungan Ako na makatayo.
"Huwag mo nga akong pagtawanan!" angil ko dito ng tuluyan na Ako na makaalis sa mabahong tae pala ng kalabaw."Hindi mo ba alam. kung sino ang kanina mo pa pingtatawanan". Tanong ko dito.na ikinatigil nito sa pagtawa.
"Ang taray mo naman Miss!" Pwede naman na magpasalamat ka nalang sa pagtulong ko sayo!" atsaka hindi naman talaga kita kilala dahil ngayon pa lamang kita nakita dito sa hacienda Lola Luciana.Kaya talagang hindi kita makikilala okay!" Pasalamat ka nga at tinulungan pa kita.!".
Mahabang litanya nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.Dahil tama naman siya ni hindi na Ako nakapagpasalamat dahil sa inis ko sa mabahong tae ng kalabaw.
"Maiwan na nga kita diyan!" At mag iingat ka nalang dahil baka sunod na matapakan mo diyan ay ahas na!" Dahil sa kakatingin mo diyan sa cellphone ay hindi ka na tumitingin sa dinadaanan mo.Naiinis na turan nito sa akin at tumalikod na.Tinanaw ko na lamang at hindi na nagsalita pa.Pero sa aking isip ay naglalaro ang mukha ng lalaking ito na tumulong sa akin,Not typical my type but he's so attracted.
Nagmamaktol na naglakad na din Ako pabalik ng mansion. " Kasalanan ito ni Daddy!" bulong ko sa aking isipan habang naglalakad .Pagdating ko sa mansion ay nakita ko si Lola na nakaupo sa tumba-tumbang upuan na bagama't luma na ay kakikitaan pa din ito ng karangyaan dahil sa klase ng kahoy na ginamit sa pagbuo nito Nagulat pa ito ng makita ang hitsura ko na punong-puno ang mukha at damit ko ng mabahong tae ng kalabaw.
"Oh my god!" Anong nangyari sayo Apo?" Tanong nito sa akin na may pag-aalala sa mga mata nito.
"Naghahanap po kasi Ako ng signal Lola at tatawag po Ako kila Daddy at Mommy para ipaalam na naging maayos ang naging byahe ko pauwi dito sa hacienda."Pero habang naghahanap Ako ng signal at hindi ko nakita ang tae ng kalabaw na inakala ko pa ng una na putik lamang Lola!' Mahabang paliwanag ko sa aking Lola.
"Ganoon ba IHA!" Sige na at maligo ka na at linisan ang sarili mo at malapit na din gumabi.Bumaba ka na pagkatapos mo at tayo ay kakain na hapunan. Utos sa akin ni Lola sa malambing na tono habang tinatakpan ang ilong nito.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad Ako na pumasok sa c.r , Binuksan ko ang tubig at hinayaan lamang ito na dumaloy sa aking katawan.
Hinilod ko ang aking buong katawan na punong-puno ng t*e kanina.Pagkatapos ko na maligo ay sinunod ko na muna ang sinabi ni Lola sa akin na bumaba agad Ako kapag nakapaligo na.
Pagdating ko sa dining area ay nakahanda na ang pagkain.Kaya lumapit na Ako sa lamesa.
"Iha halika na at saluhan mo ang Lola na kumain!' Pagyaya sa akin ni Lola.
Habang kumakain kami ay sinabi ni Lola na pasasamahan niya daw ako bukas sa isa sa mga trabahador ng hacienda na pinagkakatiwalaan nito.
"Bukas Apo ay pasasamahan kita kay Aidan para dalhin ka sa parte ng hacienda na malakas ang signal para matawagan muna ang mga magulang mo at mga kaibigan." Pagbibigay sa akin ng assurance ni Lola na may makakasama na Ako bukas para makahanap ng signal dito sa hacienda na ikinangiti ko naman.
"Salamat po Lola!" Tugon ko sa aking Lola.
"Sige na tapusin muna ang pagkain mo para makapagpahinga kana at bukas ay maagang pupunta dito si Aidan para samahan ka.!
Pagkatapos nga namin na kumain ay umakyat na din Ako sa aking kwarto.Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala Ako.
Kinabukasan ay nagising Ako sa mahinang katok sa aking kwarto.Kaya agad Ako na tumayo at pinagbukas ito si Lola pala.
"Iha magready ka na at mamaya ay nandito na ang inutusan ko para samahan ka!" At para makaikot ka na din sa buong hacienda dahil aalis Ako ngayon dahil may okasyon sa simbahan at kailangan nandoon Ako.Kaya iiwan na muna kita!"Mahabang litanya sa akin ni Lola at lumapit na Ako dito para humalik sa pisngi nito.
"Ingat po Lola at huwag ka po mag-alala sa akin at magiging mabait na bata po Ako ngayon at susundin lahat ng bilin mo sa akin.!" Sagot ko kay Lola.
Pagkaalis nga ng aking Lola ay naligo na muna Ako.Pagkatapos ko na maligo ay nagsuklay muna Ako at humarap na sa salamin.Habang nagsusuklay ako ay may kumatok muli na sa tingin ko ay ang isa mga kasambahay ng aking Lola.
Pinapasok ko ito dahil hindi naman nakalocked ang pinto ng aking kwarto.
"Señorita nasa labas na po ang inutusan ng Lola niyo para samahan kayo sa pag-iikot sa hacienda at makahanap na din ng signal." Paliwanag nito sa akin.
"Sige po bababa na din Ako pagkatapos ko na magsuklay!" Sagot ko dito.
Pagkatapos ko nga na magsuklay ay bumaba na Ako at dumiretso muna sa hapag-kainan para kumain ng almusal.Dahil baka gutumin Ako sa paghahanap ng signal dito sa hacienda ni Lola.Nagulat Ako na may makakasabay pala Ako na kumain at ng tingnan ko ito ay maging siya ay.nagulat din.Dahil ang lalaking kasama ko ngayon sa mesa ay walang iba kundi ang lalaking
tumulong at.pinagtawanan Ako kahapon ay iisa lamang.
"Ikaw na naman?" Sabay pa namin na turo sa isa't-isa.
"Ikaw ba ang inutusan ni Lola na makasama ko para makahanap ng signal at makapag-ikot na din sa hacienda?" Tanong ko dito.
"Opo Ako nga Señorita!" Pinakiusap sa akin ng Lola mo na samahan kita ngayon!" Paliwanag nito sa akin.
Kumain na nga kami at naiilang Ako sa presensya nito habang kami ay kumakain.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito Ako sa kaniya.
Hanggang sa makatapos na kami na kumain at nagpaalam muna Ako sa kasambahay ni Lola na halos kasing-edad ko lang din.
Nagpaalam din sa kaniya ang lalaking ito na sa pagkakaalala ko ay Aidan ang pangalan na sinabi ni Lola kagabi sa akin.
"Aalis na muna kami Lysette!" paalam pa nito na tila close na close silang dalawa sa isa't-isa kaya niyaya ko na ito na umalis na kami.
"Pwede ba na kung manliligawan kayo ay mamaya na lamang dahil gusto ko ng makahanap ng signal para matawagan ko na ang aking mga kailangan tawagan.!" Mataray na pagkakasabi ko.Kaya agad na tumalima si Aidan at nauna na nga Ako na naglakad palabas ng mansion.Nakasunod naman ito sa akin.
"Señorita!" Tawag nito sa akin na ikinalingon ko naman sa kaniya.
"Bakit?" Tanong ko dito.
"Doon po tayo dahil nandoon ang sasakyan natin na kabayo para makapag-ikot sa hacienda!" Turo nito sa akin sa isang kabayo na agad ko na nilapitan.
"Dito tayo sasakay?" tanong ko dito na kinatango lamang nito.
"Huwag ka po mag-alala Señorita!" dahil mabait po na kabayo si moon at syempre hindi ko po hahayaan na masaktan kayo habang kasama niyo Ako.' Dahil pinagkatiwala ka po sa akin ni Lola Luciana.Sa mga sinabi nito ay tila malaki ang tiwala sa kaniya ni Lola.