Chapter 56 Letter

2327 Words

THEA Pagkatapos ng event, pumunta ako sa banyo. Wala akong ginawa dito kundi tumayo lang at titigan ang sarili ko sa salamin. Natutulala ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Rosie. Matagal na raw silang hiwalay. Kailan pa? Kung matagal na, bakit nakita ko siya na pumunta sa condo ni Clarkson? Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko pa ba iniisip ang bagay na iyon? Dapat ay wala na akong pakialam. Ikakasal na ako kay Aiden, kaya hindi ko na dapat pinapagulo ang utak ko. Tinawagan ko si Aiden para sabihin na hihintayin ko siya sa entrance ng unibersidad. Lumbas ako at naglakad papuntang gate. Nasa labas na ako ng gate at hinihintay ang pagdating ni Aiden nang matigilan ako nang may nahagip ang mata ko. Binalikan ko ito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala kung sino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD