THEA Pag-alis ni Aiden, hindi pa agad ako pumasok sa loob. Pakiramdam ko, kapag pumasok agad ako, masu-suffocate ako. Gusto ko munang huminga dito sa labas. Humarap ako sa pader at nilapat ang noo ko at marahan kong inuntog-untog ang noo ko dito. Napangiwi ako ng masaktan ako, kaya huminto ako. Hanggang sa dumapo ang mata ko sa engagement ring na binigay sa akin ni Aiden. Maganda ang singsing, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung ang iba, tuwang-tuwa na makita ang engagement ring na nakasuot sa daliri nila, ako naman ay hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi. Kumunot ang noo ko nang tila may napansin akong nakatayo hindi kalayuan sa akin, kaya sinulyapan ko ito. Nagulat ako nang makita si Mr. Black na nakapamulsang nakatayo sa tapat ng u

