THEA Sa mga nakalipas na araw, naging abala na kami ni Aiden sa pag-aasikaso para sa aming kasal. Pinakita na rin sa akin ang tatlong disenyo ng wedding gown na pagpipilian ko. Ang pinili ko ay ang pinakasimple. Hiningi ko rin ang opinyon ni Aiden, at inaprobahan naman niya agad dahil hindi ko naman daw ito pipiliin kung sa tingin ko ay hindi ako magiging komportable. Nang huli kaming mag-usap ni Aiden, ginagawa na raw ang trahe de boda ko. Pinapili kami ng magulang niya kung saan namin gustong ikasal: simbahan, garden, o resort. Biglang sumagi sa isip ko ang kasal ni Chazzy na ginanap sa resort. Simula nang masaksihan ko ang kasal nila ni Thomas, pinangarap ko rin na ikasal sa resort. Pero noong mga panahong iyon, walang ibang lalaki ang nasa isip ko na gusto kong makapalitan ng ‘I do’

