THEA Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Ryker. Hindi ko alam kung paano ko palalawakin ang utak ko para maintindihan ang sinabi niya. Pero writer ako, kaya marami ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kung ano-ano ang mga ideya na pumapasok sa utak ko para lang ikonekta sa sinabi ni Ryker. Si Aiden ba ang tinutukoy niya na hindi totoo ang pinapakita sa akin? Ano ang alam niya tungkol kay Aiden? Pauwi na ako nang madaanan ko sina Ranna at Tita Ruth sa daan. Hinintuan ko sila para isakay. “Tita Ruth, Ranna, sakay na kayo.” Nagkatinginan pa ang dalawa, pero kalaunan ay sumakay rin sila sasakyan ko. Umupo si Tita Ruth sa front seat at si Ranna naman ay sa backseat. “Pauwi na kayo?” “Oo, Thea. Nagugutom na raw ang batang ito.” “Kain na lang po tayo sa labas. Treat ko po kayo.” Matagal

