THEA Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. I was wearing my simple yet elegant wedding gown. Ilang beses ko nang pinasadahan ang sarili sa salamin, pero hindi ko pa rin nakikita ang sarili na naglalakad sa altar. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, pero nasa realidad ako. At kahit ano ang gawin ko, hindi na magbabago ang mangyayari. “Friend, okay ka lang?” Napatingin ako sa repleksyon ng kaibigan ko mula sa salamin. Nakatayo siya sa likuran ko at puno ng pag-aalala ang tingin na binibigay sa akin. “Y-yes,” nanginginig ang boses na sagot ko. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinihit paharap sa kanya. “Alam mong simula pa lang, nang sinabi mo sa akin na magpapakasal ka, tutol na ako dahil alam kong n

