THEA Dumapo ang kamay niya sa pisngi ko at marahan niya itong hinaplos. Malamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “I won't force you if you don't want to. That's why I ask first,” he said. Walang dahilan para hindi ko pagbigyan ang gusto niyang gawin. Napakabuti niya para tanggihan ko siya. Dapat kong itatak sa utak ko na si Aiden na ang lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda ko at hindi ang lalaking pinapangarap ko. Hindi mahirap mahalin si Aiden, at hihintayin ko ang pagdating ng araw na mapagtanto ko na mahal ko na pala siya, at magising na lang isang araw na nakalimutan ko na pala ang lalaking minahal ko ng pitong taon. Gumuhit ang ngiti ko sa labi. Awtomatikong pumulupot ang kamay ko sa leeg niya, sabay tumango bilang pagsang-ayon sa kahilingan niya. Kaagad nagli

